Ngayong 18 na siya, ayon kay Eula Caballero, ay dapat na raw siyang maging mature sa pakikiharap sa kanyang suitors.
Medyo nagsisisi nga raw siya and feels sorry sa nagawa niyang pagkakamali na parang napaasa raw niya ang mga manliligaw niya noong hindi siya gaanong busy.
Ngayon daw kasi ay kinukulit siya ng mga ito at ang masaklap pa ay parang lumalabas pa raw na naglalaro siya sa damdamin ng iba.
“Parang nasanay kasi sila na we see each other often dahil medyo nga hindi ako busy and baka akala nila, ’yun na ’yun. Sana pala hindi ako naging ganun ka-open sa kanila kasi parang ako pa ngayon ang masama,” say ni Eula.
Ngayon daw ay iibahin na niya ang diskarte at didiretsuhin na niya agad ang manliligaw.
Ayaw nang sabihin pa ng Cassandra star kung sinu-sino ang suitors na ito dahil hindi naman daw lahat taga-showbiz at ang iba ay sa school niya.
Samantala, speaking of school, sabik na sabik nang makatapos ng high school si Eula. Nasa 4th year na siya ngayon sa home study ng Angelicum at aminado siyang hirap na hirap siya.
“Kahit sa bahay lang ginagawa ang mga modules, ang hirap hirap talaga, at saka after ng taping, pagod na rin ako kaya nahihirapan talaga ako,” say ng young actress.