Eugene Domingo handa nang maghasik ng kaseksihan

    457
    0
    SHARE

    LAGING pinupuna ang headdress ala-Rita Gomez ni Eugene “Uge” Domingo sa pelikula nila ni Maricel Soriano na “Momzillas.” Mauulit pala ito dito sa Regal Entertainment movie ni Mother Lily, ang “Status: Complicated.”

    Natanong tuloy kay Uge kung peg ba niya ang yumaong premyadong aktres na hindi lamang paborito ni Ishmael Bernal, kundi ng maraming directors, artista, at movie press in her time. Hindi man tuwirang sumagot si Uge, dama naman ang paghanga niya sa yumaong aktres na ayon kay direk Chris ay itinuring na institusyon sa industriya.

    Dala-dala niya ang karangalan bilang Best Actress pagbalik niya ng ‘Pinas mula sa Tokyo Film Festival para sa indie movie na “Barber’s Tale.” Hindi nagpaawat si Uge sa pagdi-display ng kanyang katawan pagkatapos ng matinding pagri-reduce.

    Tiniyak niyang maa-appreciate ng moviegoers ang bagong fi gure niya minus all the bilbil na napanood sa una niyang pelikulang “Kimmy Dora,” kung saan inakit-akit niya si Dingdong Dantes nang naka-bathing suit.

    “Wala yata kaming ginawa dito kundi kati-katihin na maka-score kay Paulo Avelino. Ipinakita ko na yata pati kasingit-singitan ko. Wala namang ganun katinding eksena, puro panunukso lang, pangti-tease.

    Parang ‘yung original na pelikulang “Salawahan” na prinodyus ni Mother Lily. Hindi siya slapsticks, nag-ooffer ng bagong side ng comedy. Very frank ang istorya at ang desire ng mga babae for worldly pleasures.”

    Aware din si Uge na tribute ito ni direk Chris sa yumaong si direk Ishmael, kahit hindi niya ito inabutan.

    Sa dinami-dami ng pelikulang prinodyus ni Mother Lily, bukod sa “Salawahan” ay nariyan pa ang “Relasyon," “Broken Mariage,” at “Pahiram Ng Isang Umaga” na pawang Vilma Santos starrer. May comedy din tulad ng “Working Girls,” “Pabling,” “Tisoy,” ganun din ang action drama tulad ng “Wating” na tinampukan nina Richard Gomez at Carmina Villarroel.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here