Home Headlines Estudyante patay, 2 sugatan nang suyurin ng minibus ang passenger waiting area

Estudyante patay, 2 sugatan nang suyurin ng minibus ang passenger waiting area

565
0
SHARE
Ang bus na bumangga sa pader ng terminal. Kuha ni Ernie Esconde

LUNGSOD NG BALANGA – Isang estudyante ang patay samantalang dalawa ang nasaktan nang suyurin ng isang pamasaherong minibus ang passenger waiting area ng transport terminal sa isang mall dito Lunes ng gabi.

Ang namatay ay nabagsakan ng concrete wall na bumigay matapos mabangga ng sasakyan. Hinihinalang nakaupo ang biktima sa hanay ng mga upuan sa loob ng passenger waiting area nang tamaan ng pader.

Batay sa incident report ng city disaster risk reduction management office, ang nasawi ay nakilalang si Jen Orviel Titulo, 20, second year Architecture student ng Bataan Peninsula State University at naninirahan sa Barangay Cabcaben sa Mariveles. Dead on the spot ang biktima matapos mabagsakan ng gumuhong pader.

Ang mga isinugod naman sa Bataan General Hospital ay isang 55-year-old na babae na nagdanas ng hyperventilation at isang 39-year-old na lalaki mula Barangay Bilolo sa Orion, Bataan na nagtamo ng claviscular dislocation.

Nagkabasag-basag naman mga salamin na tulad sa bumagsak na concrete wall ay nagsisilbing divider sa passenger waiting area at paradahan ng mga sasakyan.

Agad na sumugod sa terminal si Balanga City Mayor Francis Garcia at nakipag-ugnayan sa pamunuan ng mall at pulisya. Kasama ni mayor ang mga tauhan ng city disaster risk reduction management office at engineering office.

Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, ang minibus na biyaheng Balanga – Mariveles ay nasa idle mode habang naghihintay ng mga pasahero. Maaari diumanong aksidenteng natapakan ng driver ang clutch kaya umabante ang sasakyan o sa halip na preno ay sinilyador ang natapakan.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here