Erich Gonzales palamura sa driver at katulong

    607
    0
    SHARE

    Hindi lang isa kundi maraming beses na naming narinig ang mga kuwentong sobrang sungit sa driver at katulong si Erich Gonzales. Sobrang maldita raw ang starlet na ito at dito nga umiikot ang mga kuwento sa kanya.

    Did you know, true pala yung siya pa ang nagmaldita noon kay Angelica Panganiban matapos madiskubre ng huli na tinangka niyang agawin si Derek.

    Yes, true yung inuwi ng Tagaytay si Erich at alibi lang yung kesyo fan ang nanay ni Derek ni Erich kaya ni-request na isama ito sa bahay nila.

    Hahaha! May ganun? Sosyal ang nanay ni Derek at ang buong pamilya niya kaya nunca na gawin yung magpauwi sa bahay nila ng mga artistang gusto nila.

    Super katsipan yung ganun.

    At kung ganun na nga, true yung talagang kumerengkeng si Erich kay Derek. Mabuti na lang nagmarakuloyo si Angelica kaya di natuloy ang masamang balak nito kay Derek.

    Sabi nga ng mga istorya, maldita at masama’ng ugali ng Erich na ito kaya posible talagang ginawan niya nang ganon si Angelica.

    Going back to the katulong and driver ek, may kuwento kung gaano kalutong magmura sa maid at alalay si Erich. Na kung pagsalitaan niya ito, tipong nabili na niya ang buhay nila.

    Yung episode sa driver na inutusan ni Erich sa medyo malayong lugar pero pinaglakad na lang daw para di magasgasan ang kotse, true din daw yun. Malupit daw talaga sa driver at katulong si Erich.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here