Erich Gonzales may gusto rin kaya kay Coco Martin?

    498
    0
    SHARE

    Tanggapin kaya ng publiko ang bagong tambalang Coco-Erich sa “Juan de la Cruz?"

    Sobrang sumikat ang Walang Hanggan tandem nina Coco at Julia Montes kaya may mga taong alinlangan kung ganun din katanggap ng masa kay Erich para kay Coco.

    “I think so,” mismong si Coco nagsalita. “Hindi naman puwedeng kami uli ni Julia kasi we also have a movie together, “A Moment in Time”, na Valentine offering ng Star Cinema. Si Erich, nakapareha ko na before in the movie ‘Noy’ at okay naman ang reception sa’min ng tao.

    This time, I’m sure magugustuhan din ng tao ang tambalan namin kasi andaming kilig moments dito na nakakatuwa talaga. Si Erich kasi rito, matapang, suplada. Ako naman, Batang Quiapo na naka-enkwentro niya.

    First meeting namin, nainis siya sa’kin. E, si Erich, napakagandang babae. Ako mismo, tinitingnan ko lang siya, kinikilig ako talaga sa kanya.”

    Nililigawan ba niya si Erich? “Nagparamdam ako sa kanya noon, pero nabigo ako, e,” sagot niyang nakatawa.

    Erich butts in at this point. “E kasi, siya naman, dinadaan ang lahat sa biro. Hindi mo alam kung ano ‘yung totoo, seryoso at kung ano yung hindi. Parang nanloloko lang siya.”

    But what if Coco becomes more serious in wooing her this time? “May boyfriend na po akong non-showbiz. At saka, pareho kaming ayaw ng karelasyong taga-showbiz.”

    “Ngayon, gusto ko na!” says Coco.

    But he was already busted before. “Hindi naman sa na-busted ako. Noong makita ko lang na tagilid ako, ako na kusang umiwas. Pero sa ngayon, hindi pa naman tapos ang laban. Mahaba pang ipagsasama namin dito sa ‘Juan de la Cruz’ dahil hanggang June daw ito tatakbo sa ere.”

    What can Erich say about this? “Abangan nyo na lang kami as Juan and Rosario in ‘Juan de la Cruz’. Ibang klase talaga ang love story namin dito.”

    Won’t her boyfriend get jealous of Coco? “Ay, hindi po. Very supportive siya sa career ko. Hindi siya seloso.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here