Erich Gonzales hanga kay Mario Mauer

    389
    0
    SHARE

    Wala ang sikat na Thai heartthrob na si Mario Maurer sa presscon ng Suddenly It’s Magic last Friday night dahil nasa Thailand ito.

    Pero siniguro naman ng Star Cinema people na makakarating ang young actor sa premiere night ng movie na gaganapin sa Oct. 30.

    Pero siyempre, present sa presscon ang leading lady ni Mario na si Erich Gonzales at iba pang cast na sina Cacai Bautista, Dinky Doo, Ces Quezada, Dione Monsanto at ang direktor na si Rory Quintos.

    Dahil nga magkaiba ng lahi sina Erich at Mario, marami ang curious malaman kung nagkasundo ba naman silang dalawa sa pagtatrabaho at maging sa personal.

    Sa trabaho, ayon kay Erich ay wala siyang masasabi kay Mario dahil napaka-professional daw ng aktor.

    “Si Mario kasi parang Pinoy din siya, napakamasayahin niya. Professional siya pagdating sa trabaho, darating sa set na alam niya (ang gagawin). Ang galing-galing niyang makisama sa lahat.

    “Siguro noong una lang parang nagkakahiyaan pa. Pero noong nag-click na lahat, hanggang sa matapos, and even up to now, nagko-communicate kami. We really became good friends,” sabi ni Erich.

    Bale ba, sa Thailand pala ay 12 hours lang ang shooting at sanay si Mario sa ganu’n. Pero dito raw kahit lampas na ng 12 hrs ang shooting ay okay lang daw sa young actor.

    May isa raw nakakatuwa nga raw nangyari during the shooting at first day pa man din. Ang eksena ay sasampalin ni Erich si Mario at sa kultura pala ng Thailand ay masyadong big deal ang sampal at hindi raw ginagawa sa country nila ’yun.

    Nang nagro-roll na ang camera ay nagulat daw ang team ni Mario dahil tinotoo talaga ni Erich ang eksena at sinampal talaga ang aktor.

    Pero kaagad naman daw humingi ng dispensa si direk Rory at naintindihan naman daw ng mga ito.

    Sa personal naman nilang buhay, hanga rin si Erich kay Mauro dahil kahit sikat daw ito ay hindi nito itinatago sa publiko ang girlfriend.

    “Kasi, dito, parang hangga’t maaari itatago mo para yung mga ano, gustuhin ka pa, yung mga fans hindi magre-react. Pero siya, talagang ang hinahangaan ko sa kanya ay very open siya.

    “Nakita ko talaga kung paano niya alagaan ang girlfriend niya. Sobrang ina-admire ko ang relationship nila.

    Nine years na sila. So, imagine, nakaka-admire talaga,” sabi ni Erich.  

    Natanong ang young actress kung siya rin ba ay hindi na niya itatago ang boyfriend at say niya, never naman daw siyang nag-deny.

    “Never naman po akong nag-deny kapag tinatanong naman po ako sa mga past interviews ko. Nagsabi naman po ako that I’m dating a non-showbiz guy. Over a year na. Mas maganda kung quiet lang, hindi magulo,” pahayag ni Erich.

    Kinunan sa Thailand at Pilipinas ang Suddenly It’s Magic. Dito sa atin ay nagshooting sila sa Ilocos at sa bansa naman ni Mario ay nag-shoot sila sa iba’t ibang magagandang lugar doon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here