LUNGSOD NG BALANGA — Walang pasok bukas, Martes, sa lahat ng antas ng paaralan at maging sa mga pribado at pampublikong tanggapan sa Bataan, ulat ni Gov. albert Garcia ngayong Lunes.
Ito, aniya, ay bilang paggunita sa 265 taong pagkakatatag ng Bataan bilang isang lalawigan alinsunod sa RA 11138 kung saan idineklara ang nasabing petsa bilang isang special non-working holiday sa buong lalawigan.
Ang nasabing araw ay kinikilala bilang “Bataan Foundation Day.” Nahiwalay ang Bataan sa Pampanga bilang isang lalawigan noong ika-11 ng Enero 1757.
Mula sa dalawang distrito, isang bagong batas ang humati sa Bataan sa tatlong distrito.
Ang unang distrito ay binubuo ng Hermosa, Orani, Samal, at Abucay samantalang Balanga City, Pilar, Orion, at Limay ang pangalawang distrito at Dinalupihan, Mariveles, Bagac, at Morong naman ang pangatlong distrito.