Empress ayaw magpalaglag sakaling mabuntis

    312
    0
    SHARE

    May tema ng abortion ang pelikulang Guni-guni na idinirihe ni Taral Illenherger kaya natanong namin ang isa sa cast ng movie na si Empress kung ano ang opinyon niya about it.

    “Ay siyempre, anti-abortion po ako. Kawawa naman ’yung mga batang gustong mabuhay. So, kung may mabuo man, dapat binubuhay. Kahit hindi nila kayang panagutan, try lang nila kasi blessing ng Diyos ’yun, eh.

    Saka kasalanan ’pag hindi mo tinuloy,” sey ni Empress na fresh na fresh sa presscon ng Guni-guni.

    Kahit halimbawang nasa peak siya ng career niya, maraming endorsement at bawal mabuntis?

    “Siyempre po, mahirap pero kailangan, eh. Parang si Andi (Eigenmann), kasi ganu’n din (ang sitwasyon niya), nasa peak din siya, bagets siya, tapos unexpected.

    Pero nu’ng ’eto na, present na, ang cute-cute ng baby niya, mukhang happy na siya, parang naka-move-on na siya, nakabalik na rin naman siya.”

    Pero hindi naman daw niya sinasabing okey magpabuntis.

    “Huwag naman. Hindi okey na unexpected. Pero kung saka-sakaling mangyari ’yun, tuloy na lang.”

    Tungkol naman sa kanyang love life, wala pa ring nagiging boyfriend ang dalaga at the age of 19.

    “Hindi ko kasi ine-entertain ’yung mga nanliligaw kasi naniniwala ako na maraming inconsistent (na guys).”

    Nanligaw ba si Sam Milby sa kanya dahil na-link din sila once?

    “Ay hindi po, sana nga po ligawan ako,” nangingiting  sey ng dalaga.

    Crush daw niya ang aktor at si Jericho Rosales.

    Nararamdaman naman daw niya na medyo takot ang boys na lumapit sa kanya dahil sa lagi niyang kasama ang kanyang ina.

    Hindi naman daw malungkot na wala siyang boyfriend dahil alam niyang darating at darating din ito.

    Samantala, showing na ang Guni-guni ngayong Aug. 22 at kasama rin ni Empress sina Lovi Poe, James Blanco, Benjamin Alves, Julia Clarete, Gerard Pesigan, Neil Ryan Sese and Gina Alajar.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here