LUNGSOD NG MALOLOS – Ipinagkibit-balikat lamang ni Bulacan Governor-elect Wilhelmino Sy-Alvarado ang protestang isinampa laban sa kanya noong Biyernes ni dating Gob. Josie Dela Cruz na nag-akusa ng malawakang digital cheating sa lalawigan noong halalan.
“I don’t’ know anything about electronic cheating, they should ask Smartmatic because they are the ones who know electronics,” ani Alvarado sa isang telephone interview kahapon.
Idinagdag niya na karapatan ni Dela Cruz na magsampa ng protesta dahil iyon ay bahagi ng proseso.
Tumangging magbigay ng dagdag na pahayag si Alvarado ngunit ipinahiwatig niya na kaya nagsampa ng protesta si Dela Cruz ay hindi nito matanggap ang unang pagkatalo sa pulitika.
Si Alvarado na kandidato ng Lakas-Kampi-CMD ay nakaipon ng kabuuang botong 533,527 kumpara sa 492,468 botong naipon ni Dela Cruz na muling kumampanya matapos ang tatlong taong pamamahinga sa pulitika.
Si Dela Cruz ay kumampanya sa ilalim ng bandila ng Partido Del Pilar, isang lokal na partido nas nakipag-alyansa sa Liberal Party.
Batay naman sa press statement na pinalabas ng kampo ni Dela Cruz kahapon, sinabi nila sa protesta na nagkaroon umano ng malawakang digital cheating sa Bulacan.
Hiniling din nila sa Comelec na pawalang bisa ang proklamasyon kay Alvarado bilang gobernador ng Bulacan.
Ayon pa sa press statement, hiniling ng kampo ni Dela Cruz sa Comelec na pawalang bisa ang resulta ng halalan sa Bulacan batay sa alegasyon ng malawakang dayaan kung saan ay mahigit 100,000 boto ang nawala.
Binaggit din sa press statement and pahayag ni Sixto Brillantes, abogado ni Dela Cruz na nagsabing: “We discovered that there are glaring anomalies in the automated count from many precincts in Bulacan, and this tie directly to over 116,000 votes that are missing in the provincial tally. We have reason to believe that the people of Bulacan have been cheated blind by digital vote-shaving.”
Kaugnay nito, nanindigan si Atty. Sabino Mejarito, ang Bulacan provincial election supervisor, na malinis at maayos ang isinagawang automated polls sa Bulacan.
Sinabi niya na ”if ever may mga discrepancies sa result, those are expected minor glitches in the machines, but will not affect the results.”
Una rito, nagpalabas ng memorandum si Mejarito sa mga election officer sa Bulacan na tiyaking ligtas ang mga CF cards at ballot boxes na naglalaman ng mga balota na ginamit sa halalan.
Ang mga CF cards ay nasa pag-iingat ng mga election officers samantalang ang mga balota at ballot boxes na ginamit sa halalan ay nasa pag-iingat ng mga municipal at city treasurers.
Ayon kay Mejarito, dapat lamang ingatan ang mga CF cards at maging ang mga balotang ginamit sa halalan upang mapanatili ang integridad ng halalan.
Una rito, nagpahayag ng pangamba ang ilang Bulakenyo hinggil sa mga ballot boxes sa municipal treasurer office dahil kapag daw nabuksan ang ballot box ay madali ng baguhin ang resulta ng halalan.
“Kung dati ay sinasabi nila na written by one yung nasa balota, ngayon napakadali ng ishade by one person ang balota,” ani ng isang political operators na tumangging ipabanggit ang pangalan.