Ejay Falcon sexy star na

    374
    0
    SHARE
    PANGANGATAWANAN na rin ni Ejay Falcon ang pagpapaseksi sa telebisyon kaya kinakarir niya ang pagdyi-gym at pagpapaganda ng katawan. Gusto rin niyang makipagsabayan sa ibang hunk actors ng ABS-CBN dahil feeling niya, kaya niya naman itong gawin.

    “Okey lang naman siguro ’yung mga hubad-hubad na photos na pino-post ko sa Instagram at Facebook account ko kasi proud ako sa resulta ng hard work ko. Saka, kailangan ko ring gawin ’yon dahil seksi ang role ko sa Pasion de Amor,” sey ni Ejay.

    “Masarap magpaganda ng katawan tapos iba ’yung pakiramdam ’pag nakita mo na ang laki nang in-improve mo, ng muscles mo at ng itsura mo. Parang you will love yourself more. Ha-haha!” reaksyon pa niya.

    Handa rin daw si Ejay na tumanggap ng daring roles sa pelikula na katulad ng ginagawa ng iba basta maganda ang script at kailangan sa eksena.

    “Depende rin siyempre sa script ’yon saka sa direktor siguro. Pero kung maganda talaga, why not, ’di ba?” sey pa niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here