Ayon kay Eisma, mag-isa lamamg siyang pumunta ng SBMA para gampanan ang iniatang na posisyon sa kanya ng Malacañang, subalit nalungkot ito sa kanyang dinatnan kung ikukumpara sa mga nakaraang administrasyon.
“Ano ng nangyari?” kanyang naitanong kasunod ang hamon na dapat manumbalik muli ang sigla sa loob ng Freeport.
Umaasa ito na sa tulong ng SBMA board ay magagampanan nito ang kanyang trabaho.
Binalaan din nito ang mga kawani ng SBMA na baguhin na ang lumang kinaugalian ang pagpasok at pag-uwi nang wala sa tamang oras.
Kanya ring sinabi na dapat ng iwasan na ang ginagawang pagpapalibre sa mga locators ng freeport sa tuwing nagkakaroon ng mga meeting sa mamahaling restoran at hotels. “Dapat lahat ng meetings ginagawa sa SBMA”, dagdag pa nito.
Sa bahagi naman ng law enforcement umaasa ito na mapapanatili nila ang peace and order sa freeport at protektahan ang mga locator at turista na nagtutungo ng Subic. “
Let’s make Subic clean. My priority is people development, wala mang palakasan sa SBMA and my offi ce is open and we welcome suggestions. We will work together,” ani ni Eisma.