Home Headlines Efren Reyes wagi sa karera ng bisikleta

Efren Reyes wagi sa karera ng bisikleta

728
0
SHARE
Pagbibigay ng premyo sa Top 3 sa Open-Professional category ng Lumba Tamo Ha: (mula kaliwa) Eric Matibag ng Zambales Sports and Youth Development Office, 3rd Placer Ronald Oranza, champion Efren Reyes, 2nd Placer Marcelo Felipe, at board member Jun Ransted Ebdane. Kuha ni Johnny Reblando

IBA, Zambales — Nanguna ang batikang rider ng Dagupan City na si Efren Reyes sa Open-Professional category sa ginanap na Lumba Tamo Ha road bike race, isa sa tampok na event ng Dinamulag Mango Festival dito noong Abril 27.

Ang Lumba Tamo Ha ay hatid ng provincial government sa pamumuno ni Gov. Hermogenes Ebdane Jr., at sa ilalim ng pamamahala ng Zambales Sports and Youth Development Office, Zambales Tourism Office, at ng Pocari Sweat bilang official hydration partner ng naturang karera.

Tinawid ni Reyes ang finish line matapos itong kumawala mula sa 10-man break-away lead group ng 195-kilometrong lakbayin na nag-umpisa sa bayan ng Subic  hanggang Sta. Cruz at bumalik sa Iba, kung saan nagtapos ang karera.

Pumangalawa sa kategorya si Marcelo Felipe ng 7-Eleven/Cliqq Air21 By Road Bike Philippines na bahagyang naka-ungos kay Ronald Oranza ng Philippine Navy/ Standard Insurance.

Pumang-apat si Janreck Carcueba (7-Eleven), panlima — Ronnilan Quita (Go for Gold), pang-anim — Ismael Gorospe Jr. (7-Eleven), pampito — Leonardo Valdez Jr. (Team Vantage), pangwalo — Rench Michael Bondoc (7-Eleven), pansiyam — Johnel Carcueva (Go for Gold), at pansampu — Ian Timbang (Teambang).

Nagkaroon din ng espesyal na papremyo para sa best team kung saan itinanghal na kampeon ang 7-Eleven/Cliqq Air21 By Road Bike Philippines, sinundan ito ng Go for Gold, at pabgatlo naman ang Philippine Navy/Standard Insurance.

Ang Open-Elite category naman ay napalunan nina Anselmo Lazatin at ka-team nito na si Jesus Garcia ng Exodus Cycling Team habang pumangatlo si Rheo Diaz ng El Kapitan.

Sa kategoryang Open-Amateur ay nanalo ang Pangasinenseng si  Jerry Yhan Vinluan (Team 3115), pangalawa si Ruzel Agapito ng Nueva Ecija, at pangatlo si Khim Jhanrick Manzano ng Pangasinan (Dandex Multi Sport).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here