Edu Manzano araw-araw ang sex life

    334
    0
    SHARE
    Idinaan na lang sa biro ni Edu Manzano ang mga sagot niya sa mga tanong tungkol sa kanyang love life kahapon sa packet presscon for him tendered by his manager, June Rufino.

    Napakailap ng aktor talaga when it comes to his personal life at ipinaliwanag niya rin kung bakit.

    “Ang hirap for a father talaga,” he said, “kung noon, kung binibiro ako, ‘sino’ng girlfriend mo?’, ako naman gago, sinasagot ko naman. Sagot ako nang sagot. Kaya tinitira ka na.

    “Tapos I came to realize, I have children, and I maybe separated from the mothers, kung umamin kang may girlfriend, paano ka magpapakita sa labas?

    “Like ako, in all my children, mga PTA (Parents and Teachers Association), kasama ako. Mga events with the children and the mothers, kasama ako. I’ve been able to maintain a very good relationship with the mothers.

    “So ngayon, I would rather not talk about personal because ’pag sinabi ko na may girlfriend ako, then ando’n ka with the mother and the children, and if the children hear, they love their mom, ’di ba? Undoubtedly, mahal nila ang nanay nila, tapos naririnig nila, si daddy may girlfriend.”

    In short, he doesn’t want his children to feel bad kaya as much as possible raw ay ayaw na niyang pagusapan pa ang love life niya sa media. Naiintindihan naman daw ito ng kung sinuman ang girlfriend niya dahil ayaw din naman daw ng mga ito na ma-publicize.

    Pero nang mabiro siya kung may sex life naman siya, ewan kung biro o seryoso, aniya ay araw-araw daw. Nagkatawanan na lang.

    Okay na raw sa kanya na tumanda siya nang mag-isa at walang kasama sa buhay.

    “Tanggap ko na,” he said.

    Ayaw na ba niya ng may kasama sa buhay?

    “Hindi na siguro, matanda na ako. Okay na ako,” he said.

    Ngayon ay busy raw siya sa kanyang bagong teleserye, ang Bridges of Love na nagsimula na sa primetime slot ng ABS-CBN kagabi. Kasama niya rito sina Maja Salvador, Paulo Avelino and Jericho Rosales.

    Taong 2006 pa nang huling gumawa ng teleserye si Edu at aniya, na-miss daw niya talaga ang umarte. “Actually, na-excite ako nung napanood ko ang OTJ (On the Job ni Piolo Pascual and Gerald Anderson).

    Sabi ko, wow, nakakagawa pa rin sila ng pelikula na hindi kailangang action ang feeling, fast paced na may mga dramatic moment, napaka-clear ng mga character.

    “So, ako pa nga ang nagprisinta kay Erik Matti, sabi ko if ever there will be something na katulad ng OTJ…

    “At saka iba, eh. Iba na ang paggawa ng pelikula ngayon at mga teleserye.

    You know, everybody comes to the set on time. Ang sarap, eh,” he said.

    Dati raw kasi ay maraming pasuperstar na laging late kung dumating na siyempre, hindi na niya binanggit kung sinu-sino.

    Sa Wednesday na magsisimulang ipakita si Edu sa Bridges of Love bilang Lorenzo Antonio.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here