Kung ganitong sunod-sunod ang pagdatal
Kay Mayor Pamintuan nitong iba’t-ibang
‘Award’ na kung saan ay di lang pang-lokal
Kundi pati na rin ng pandaigdigang
Bigay na parangal, gaya halimbawa
Ng naibigay na kina Mayor Oca
At ibang Mayor sa kalakhang Maynila
Bunsod ng mahusay na pamamahala
Na kung saan isang ‘award giving body
To efficient city mayors’ itong bale
Donor/sponsor ng ‘internationally
Think tank dedicated to local society
Of world city mayors, which said prize is given
Every two years to mayors with outstanding
Contributions to his beloved countrymen
And has developed visions for urban living
At mga pagkilos na may kaugnayan
Sa lungsod at bayan (na ginagalawan);
Na kualipikado sa ganyang parangal
Ng isang ‘foundation’ para sa naturan.
At isa pa manding kilalang ‘Foundation’
Sa parting Europa o lungsod ng London
Ang nag-award nito sa butihing Mayor,
Na karapat-dapat sa ganitong honor.
At kung saan kwenta pang-walo si Edpam
Sa ‘Top 10 World Mayors’ sa kasalukuyan,
Na nagbigay ng malaking karangalan
Sa Angeles at sa mga Kapampangan.
Dahilan na rin sa di lamang kakaunti
Ang ‘nominees’ at itong mga napili
Ay sampu nga lamang – dangal na ng lipi
Ng alin mang bansa ang sila’y magwagi
At mapabilang sa World Class City Mayor
Ang alkalde ng lungsod ng isang nasyon,
Tulad halimbawa ng ‘our very own’
Edgardo Pamintuan nitong Sentral Luzon.
Na liban sa mga mahalagang ‘Award’
Na kamakailan lamang ay iginawad
Sa kanya ni DILG Sec Mar Roxas
‘As one the best Mayor’ sa Pilipinas
‘In terms of what we may call effective governance,
Dedication to service and good performance’
(Ay makatanggap pa ng ganitong ‘world class’
Na parangal mula sa ibayong dagat?
Na kagaya nga ng ‘London base foundation,’
Na isang ‘widely known trusted association’
Na kumikilala sa husay at dunong
Ng mga nagiging ‘world class city mayors’
Ay ano pa nga ba ang dapat hanapin
Ng taga Angeles sa isang alkaldeng
Katulad ni Edpam – sa taglay na galing
Ng pamamahala para siya sirain?
Nitong aywan lang kung may talagang alam
Hinggil sa anila ay maanomalyang
‘Practices’ umano ni Mayor Pamintuan
Diyan sa city hall sa kasalukuyan;
Na katakatakang ngayon lang naisip
Isiwalat yan kung kailan papalapit
Ang eleksyon, at di noong di pa panis
Itong isyung J.O. at/o ‘ghost employees’.
Seselan na la mu ding tau Angeles
Nung e re pa buri ing anti kang Kong Ed
A milalu sipag at alang interes
Nune ing isuyu karela ing “The Best”!!!