Dahil sa talino’t husay ni Mayor Ed,
Sa pamamahala at pagiging ‘the best’
Sa ikabubuti ng kanyang ‘constituents’
Kaya marapat lang sa puntong naturan
Ang siya ay ating muling palakpakan
At magawaran ng dagdag na parangal
Sa mga natamong papuri at dangal
Bilang lingkod-bayan na kumikilala
At naniniwalang lahat makakaya’ng
Gawin ng sinumang ‘public official’ na
May puso’t damdamin, saka kaluluwa.
At inu-una ang marapat tutukan
Kaysa ibang bagay na hindi kailangang
Gawin para lamang may maipakitang
Proyektong nagawa sa panunungkulan
Kung saan si Mayor kusang lumalabas
Sa kanyang tanggapan kahit anong oras
Para lamang niya lubos na maharap
Ang tungkuling naka-atang sa balikat
At maipagawa ng administrasyon niya,
Gaya ng ngayon ay ‘under construction’ na,
Ang ‘beautification’ sa pinaka-plaza
At ‘heritage district’ – at saka iba pa
Na kagaya r’yan ng kanyang pina-alis
Na mga kable ng kuryenteng nagsabit
Sa poste’t animo’y spaghetti’t pansit,
Upang ang nasabing ‘area’ ay luminis.
At di maging ‘eyesore’ sa mata ng madlang
Sa ‘heritage district’ at plaza ng bayan
Sabik makarating para mapasyalan
Ang lungsod sa panahon ni Mayor EdPam
Na ngayon ay lubha ng kaaya-aya
Ang sa lugar na ito ating makikita,
Dahil ang pangit na mga istraktura
Sa panahong ito pawang giniba na.
Sanhi na rin nitong nagawang baguhin
Ni Mayor ang dati’y pangit na tanawin,
Sa may harapan ng dati ay gusaling
Pambayan at saka nitong Simbahan din.
At ang ‘spaghetti wires’ sa lugar na yan
Ay nagawa nga pong itago ni EdPam
Sa ‘underground’ kundi man sa pamaraang
Pagbaon sa lupa o ‘highly technical’
(Na klaseng koneksyon na di mapanganib
At garantisadong ligtas ang pag-gamit
Ng kuryente kahit malubog sa tubig
Ang ‘electric current’ nating ginagamit?)
Malalo’t madali, sa mga programang
Pinasimulan ni Mayor Ed Pamintuan,
Gaya nitong ‘renovation’ na naturan
Sa ‘heritage district’ tuloy-tuloy na yan
At inaasahang matatapos lahat
Pati na iba pang balakin sa siyudad
Ng ‘multi-awarded’ at ‘World Class City Dad,’
Na si Ed Pamintuan (nitong Pilipinas!)
Bago matapos ang kanyang ‘terms of office,’
At bago ang 2016 ay sumapit;
Kung saan aywan lang kung tatakbo ulit,
At kung sino ang posibleng maka-tiket.0
Pagkat malayo pa naman ang halalan
Upang ito aniya ang siyang pag-uusapan;
At ang seryoso n’yang sagot noong minsan:
“Trabaho muna bago ang na ‘yan”!