Sunud-sunod itong pagiging mapalad
Ni Mayor Edpam sa pagbuslo ng ‘award’
Pagkat maliban sa kailan lang natanggap
‘As chief executive, named as the least corrupt
Among the urbanized cities/town nationwide,
Of which is commissioned by SWS;
Nitong Miyerkoles lang ay isang ‘major award’
Uli ang kay Mayor EdPam iginawad
Ng SMI o ng Superbrands Marketing,
Na pandaigdigang kumpanya pa mandin,
Sa isang seremonya sa Hotel Mandarin
Kasama ng ibang mga ‘awardees’ din.
Na kung saan dahil sa ‘trust & confidence’
Ng mamamayan ng Lungsod ng Angeles
Sa matapat na serbisyo ni Mayor Ed,
Muling nakilala ang ‘City of Angels’
Maging sa iba pang maunlad na bansa
Na kumikilala at naniniwala
Kay Mayor sa kanyang magagandang gawa
Na lubhang kakaiba at kahanga-hanga.
Gaya nitong “Most Outstanding Mayor Award,’
(Na nitong Mierkoles pa nga lang iginawad)
Ng SMI – tiyak na magpapa-alab
Kay EdPam sa kanyang mga pagsisikap
Na mabigyan niya ang mga Angeleñno
Ng isang malinis na pangungubyerno,
Na ang tunguhin ay tunay na asenso
At pag-unlad sa kabuhayan ng tao.
The SWS findings validated
The six major awards the city had received
From the DILG, of which a month ago held,
Giving recognition to the most beloved
City Dad for his good performance, and being
So active in all his tasks and undertakings,
(That we can hardly find among ambitioning
Any elective post comes year 2013).
Pagkat tunay namang di matatawaran
Ang husay at galing ni Mayor Pamintuan,
Pagdating sa puntong ang pag-uusapan
Ay kagalingan at ‘effective governance’.
Kumpara sa ibang local executives,
Na di ang tungkulin sa bayan ang higit
Napag-uukulan ng wastong tangkilik
Kundi ang sariling bulsa at daigdig.
Na lubhang malayo sa mga balakin
Ni mayor, na pawang sa ikagagaling
Ng lahat ang kanyang banal na naisin
Kung kaya nga’t naging mapalad marahil.
At nasabi tuloy ng buthihing Mayor,
Na di siya makapaniwala ngayon,
Na ang epicenter ng pagputok noon
Ng Pinatubo ay ‘would be now one among
‘The recipients of SMI’s recognition’
Bilang ‘awardee as Most Outstanding Mayor’
Sapagkat sa loob ng kung ilang taon
Na nagdaan ito’y sa utang ay baon?
At kaya lang medyo umangat ng kaunti,
Hanggang sa lumaki nang paunti-unti
Ang pondo ng lungsod ay nitong siya muli
Ang maka-hawak sa ‘prodigal’ na susi?
Sa puntong naturan… sa ganang sarili
Naming pananaw ay wala nang bubuti
Kaysa kina EdPam at Vice Mayor Vicky
Upang sa city hall sila manatili;
Kasama pati na ang mga matapat
Nilang kasangguni sa lahat ng oras,
Para lalo nilang lubos mapaunlad
Ang ‘city of angels’ na dati ay ‘bankrupt’?!