Ecstacy addict nga ba ang young sexy star?

    392
    0
    SHARE
    Nakaa-amuse ang kuwento ng isang male starlet na paekstra-extra sa mga tv shows ng isang malaking network.

    Well, may kinalaman sa pagda-drugs ng isang sikat na youngstar ang sitsit sa amin ng male starlet.

    More or less ganito ang kuwento nito sa amin.

    “Ecstacy ang hilig niya. Di ba, yung ectasy, nilulunok nang buo? Iba siya, kaiba ang paggamit niya. Tatanggalin niya yung laman ng capsule, ibubuhos sa isang bahagi ng kamao niya saka sisinghutin nang paunti-unti, ‘pag ubos na yung ecstacy, hahalak

    hak na yan, magti-trip at parang di makapakali na sobrang hyper. Halatang kinaiinisan siya ng mga kasama niya ‘pag ganoon siyang umarte, pinagbubulungan na siya, kasi nga naman, nakaaasiwa ang ipinakikita pa niya yung pagbabangag niya sa set,” sabi pa ng impormante namin.

    Sikat ang youngstar gaya ng nasabi namin dahil marami siyang kontrobersya sa buhay. Very recently, nakababag niya ang mga kasamahan niya sa trabaho at ang bintang niya pinagkakaisahan daw siya.

    Yung isang kampo naman nagbabantang ibubulgar ang mga lihim ng kaaway nila.

    Ito kaya’ng di umano’y pagte-take niya ng ecstacy ang ibubulgar nila?

    Abangan!

    Clue? Bakit naman kailangan pa, di pa ba obvious kung sino siya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here