Home Headlines ECQ sa barangay na may 18 kaso ng Covid

ECQ sa barangay na may 18 kaso ng Covid

713
0
SHARE

Ang mahigpit na checkpoint sa bukana ng Barangay Lumbac. Kuha ni Rommel Ramos



PULILAN, Bulacan — Dahil sa naitalang 18 kaso ng
Covid-19 ay isinailalim sa enhanced community quarantine at itinuring ng lokal na pamahalaan na critical zone ang Barangay Lumbac.

Ayon kay Association of Barangay Captains president Dennis Cruz, ibinalik sa ECQ ang nasabing barangay upang mapigilan ang pagkalat ng virus at makapagsagawa ng Covid test sa mga residente dito.

Aniya, ang mga kasama sa contact tracing ng 18 nagpositibo ay sumailalim na sa Covid-19 testing.

Ang isa sa 18 nagpositibo at may mga sintomas ng sakit ay nasa isolation facility habang ang 17 ay pawang mga asymptomatic at mga nakahome quarantine.

Sa ngayon ay nagsasagawa na sila ng massive testing para sa mga probable cases at suspected cases sa lugar.

Ayon pa kay Cruz, hanggang August 25 ipapatupad ang ECQ sa lugar.

Samantala ang mga karatig barangay nito na Dampol 1st, Tabon, at Poblacion ay tinuturing naman na containment zone at mananatili sa modified ECQ hanggang Aug 25.

Ang mga natitirang barangay naman sa buong Pulilan ay nasa general community quarantine.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here