Home Headlines ECQ lalo pang pinalawig, 3 tiklo sa droga

ECQ lalo pang pinalawig, 3 tiklo sa droga

763
0
SHARE

SUBIC, Zambales — Lalo pang pinaigting ng kapulisan ng Zambales ang enhanced community quarantine sa harap ng patuloy na pagtaas ng bilang ng nagpopositibo sa Covid-19, at kasunod sa pagkahuli ng tatlong kalalakihang pagala-gala na may dalang droga.

Ayon kay Major Gilbert Diaz, hepe ng Subic Police, kasalukuyang nagpapatrolya ang kanyang mga tauhan sa Barangay Calapacuan pasado alas3 ng hapon nang makitang pagala-gala ang mga suspek na sina Jommier John Leapheart y Pasa, 32; John Maico y Raydanas, 27; at Angelo Llanes y Barag, 18, pawang mga residente ng barangay.

Ang mga suspek ay naaktuhang walang quarantine pass at walang suot na face mask.

Bahagi ng legal na proseso ng pulisya na kapkapan ang mga suspek, at nakuha sa kanilang pagiingat ang apat na transparent plastic sachets ng hinihinlang shabu.
Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 1 of Executive Order No. 10; Section 9 (d) of R.A. 11332; Article 151 of the Revised Penal Code at Section 11, Article ll of R.A. 9165.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here