Ecijana mula Canada, sinusuri sa San Lazaro

    364
    0
    SHARE
    PALAYAN CITY – Isang 37 anyos na  Novo Ecijana mula sa Canada ang ipinadala ng mga opisyal pangkalusugan matapos makitaan ng mga sintomas ng kinatatakutang influenza H1N1 virus.

    Ayon kay Dr. Benjamin Lopez, provincial health officer ng Nueva Ecija, ang pasyente ay umuwi sa kanilang tahanan sa Sto. Domingo, Nueva Ecija upang dumalo sa libing ng kanyang ina noong Abril 25.

    Noong Abril 30, nagtungo ito sa isang ospital sa Cabanatuan City upang magpasuri dahil sa “abdominal discomfort” ngunit kinailangang bumalik matapos makaranas ng iba pang pakiramdam nitong Miyerkules ng umaga.

    Kagyat na dinala sa holding area ng ospital ang pasyente, ayon kay Lopez.

    Kaugnay nito, tiniyak ni Lopez na may sapat na kahandaan ang mga pagamutan sa lalawigan at mga opisyal sa pagtugon sa ganitong sitwasyon.

    Tiniyak niya na maayos lahat.

    Sinuri na rin ang mga kaanak at malalapit na taong nakahalubilo ng pasyente, ayon kay Lopez at walang nakitang anumang palatandaan ng sakit sa kanila.

     “You can only say a person has been quarantined when she had been made to undergo thermal scanning,” ani Lopez.

    Pag-iingat lamang, ani Lopez, ang hakbang na ginawa sa pagdadala sa pasyente sa “isolation”.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here