Ebdane: P1B pondo para sa 2011

    568
    0
    SHARE
    IBA, Zambales – Umabot sa P1-billion ang inilaang pondo ng Zambales provincial government sa taong 2011.

    Ito ang iniulat ni Zambales Governor Hermogenes Ebdane sa kanyang State of the Province  Address (SOPA) kamakailan.

    Sinabi ni Ebdane na sa kabila ng may pagkakautang ang probinsya sa ibat-ibang bangko ay natugunan nitong bayaran matapos na magpalabas ito ng pondong P150 million.

    Sinabi din ng gobernador na tumaas ang revenue collection sa mining operation sa Zambales ng P1.6 million. Mula sa dating P6.49 million ay naging P8.17 million sa unang bahagi ng 2011.

    Pinangunahan naman ni Vice Governor Ramon Lacbain lll ang pagbubukas ng unang session sa taong 2011 at kanyang hinimok ang mga Zambalenos na “tumulong na marating ang nagkakaisang pananaw para maisulong ang lalawigan.”

    Hinimok din niya na ang mga manggagawa sa kapitolyo na makiisa at tumulong na pataasin ang kaledad ng serbisyo para sa mga tao.

    Nangako naman ang gobernador na sa loob ng 12-buwan at isang taon na nalalabi sa kanyang administrasyon ay matutugunan na nito ang kanyang mga ipinangako sa mga Zambalenos.

    Noong Oktubre 2010 ay nag-ulat ang gobernador sa kanyang mga nagawa sa loob ng 100-araw, subalit para sa ibang mga Zambalenos ay tila mahigit pa lamang sa kalahati ng kanyang ipinangako na pagbabago sa Zambales ang kanyang nagagawa.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here