SAN MARCELINO, Zambales — Isinalin na sa pangangalaga ng pamahalaang bayan ng San Marcelino ang 18 service vehicle na ipamamahagi ni Gov. Hermogenes Ebdane Jr. nitong Biyernes, June 7.
Malugod na tinanggap ang mga sasakyan ng pamahalaang bayan sa pangunguna nina Mayor Elmer Soria at Vice Mayor Cristopher “Jimbo” Gongora, kasama ang mga kagawad sa sangguniang bayan na sina Nestor Ignacio, Darrel Labio, Eddie Domingo, Ly Aquino, Liga ng mga Barangay president Maureen Arquero, at SK federation president Joseph S. De Dios. Naroon rin si PDRRMO chief Rolex Estrella at Larraine Rico.
Ang pamamahagi ng mga service vehicle ay isang programa ng Provincial Government of Zambales upang matugunan ang pangangailangan ng mga barangay sa pagtaguyod ng kaayusan, mabilis na serbisyong medical, pag-responde sa mga emergency gaya ng sakuna at rescue operations.
Pakiusap naman si Ebdane sa mga barangay officials na mahalin at alagaan nila ang ibinigay na mga sasakyan. Samantala, tumanggap naman ng isang kolong-kolong ang municipal tourism office mula rin sa pamahalaang panlalawigan. Photos: San Marcelino PIO