Dyowa nakikialam sa pictorial ni Ehra Madrigal

    327
    0
    SHARE
    Gumagawa ng sariling pangalan ang dyowa ni Ehra Madrigal na si DJ Myke. Kailan lang, humarap ito sa press at marami siyang revelation tungkol sa kanyang dyowa at sa mga activities niya.

    Di you know, liberal pala itong si DJ Myke pagdating sa  pagpapaseksi ng dyowang si Ehra Madrigal lalo sa pictorials.

    Mismong si DJ Myke  ang nagsa-suggest kung aling sexy outft ang bagay sa dalaga.

    Unti-unti na ring nakikilala si DJ Myke at hindi lang dyowa ni Ehra, kasi naman ay may sarili na itong record album na malapit nang i-release sa market.

    Pero bago magkaroon ng sariling album ang singer, nakilala rin siya  bilang isa sa miyembro ng Akafellas at Sabado Boys.

    Anim na taon nang mag-on sina DJ Myke at Ehra, pero wala silang balak na magpakasal.

    Last Feb. 3 sa press launch ang first solo album ni DJ Myke na Homework under Ivory and Music Video, ipinakita niya ang talent sa pagkanta at ipinagmalaking karamihan sa kanta sa album ay kinompose niya.

    Unang sumabak sa pagko-compose si DJ Myke nu’ng maaksidente siya last October 2008. Nakaligtas siya sa accident pero napuruhan ang tuhod niya. Nakuha naman sa operasyon at ngayon ay normal na siyang nakapaglalakad.


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here