Tuloy-tuloy na ang kauna-unang concert ng Dance Squad Singers na kinabibilangan nina Bobby at Robert Solomon, Arvin King, CJ Cueva, JB Eugenio, Zyrus Desamparado at JB De Guzman na nakatakdang ganapin sa Aug. 16 sa Metro Bar 9 pm. Hatid ng Candid/Zone 7 Records sa pakikipagtulungan ng Dr. Joel Mendez (Mendez Medical Group), Mr. Joel Cruz (Aficionado Germany Perfume, Joel Cruz Signatures), Burger King, Waffle Time, Kerrimo Food Stuff, Happy Haus Donut, Olive. C, Jewels Apparel.
Makakasama ng Dance Squad Singers sa nasabing konsiyerto ang mga Pinoy/British talents mula sa United Kingdom at nagpasikat ng awiting “Chicky, Chicky Dance” ang Chickitas at ang Maharlikha.
Aawitin ng Dance Squad Singers ang ilan sa kanilang awiting nakapaloob sa kanilang 2nd album.
Nae-excite naman kami sa nabalitaan namin na bukod sa pagiging owner ng pinaka-sikat na perfume sa bansa, ang Aficionado Germany Perfume at Joel Cruz Signatures na si Sir Joel Cruz ay balitang sasabak na rin ito sa larangan ng pag-arte via pinakaaabangang teleserye sa bansa ang “Betty La Fea” na pagbibidahan ni Bea Alonzo.
Isang markado at mahalagang role daw ang nakatoka kay Sir Joel sa Betty La Fea na matagal-tagal din ang itatakbo. Kaya naman daw balita namin ay very excited na si Sir Joel na mapasama sa number one teleserye sa buong mundo at ngayon ay nasa atin na. Any day from now nga daw ay nakatakda ng mag-taping ito sa nasabing teleserye.