ABUCAY, Bataan: A tribe of indigenous peoples in the upland village of Bangkal here are patiently and proudly reviving their “dying” language known as Ayta Magbukun, one of two spoken languages of two Aeta tribes in the province.
Rosita Nojadera Sison, 64, Magbukun tribal chieftain in Bangkal, said Sunday there are 18 communities of Aeta natives in Bataan with six under Ambala and 12 belonging to the Magbukun tribe, scattered in the towns of Orani, Samal, Abucay, Balanga City, Morong, Bagac, Mariveles, Orion and Limay,
She estimated that presently, only about 15% of the natives in Bangkal still does not speak Magbukun, a good record she credited to the perseverance of natives and the Bahay Wika, the first in the country established by the Komisyon ng Wikang Pilipino in Bangkal in 2018.
“Meron kaming Bahay Wika kung saan matanda at bata tinuturuan namin at isa ako sa master sa loob ng limang araw sa isang linggo. Magbukun lang ang itinuturo. Kunwari ako katutubo ako na babae ang asawa ko ay unat, iyon tuturuan namin iyon sa Bahay Wika. Pati mga teacher dito kapag dito sila nagtuturo kailangan matuto sila ng wika namin kaya nagmamaster apprentice sila,” Sison said.
She said the project was implemented through a municipal ordinance sponsored by Indigenous People’s Mandatory Representative JayR C. Reyes and passed by the Abucay Sangguniang Bayan.
“Hindi pupwedeng papasok ng day care o pre-elem nang hindi nagdadaan sa Bahay Wika. Marami na nagsasalita ng Magbukun pati na mga unat. Hindi katutubo nagsasalita na rin. Sa buong Bataan ang community namin ang buhay na buhay ang wikang Magbukun kaya madalian kaming nakahiling ng Bahay Wika kung saan 3 to 4 years old ang tinuturuan. Ang master apprentice naman ang tinuturuan matatandang asawa ng katutubo na hindi katutubo,” the tribal chieftain said.
“Hanggang 2027 kailangan makabuo na kami sa buong komunidad namin katutubo o hindi katutubo ng Wikang Magbukun na target namin. Mga 85% marunong na ngayon. Kahit ang mister ko hindi katutubo hindi ko siya idinaan sa Bahay Wika. Hindi siya nagmaster apprentice, sa bahay lang tinuturuan ko siya kaya kami kapag sa bahay wikang katutubo ultimo mga anak ko wikang katutubo,” Sison furthered.
“Pati mga teacher sinasabi namin na sila ay nakipamuhay sa community namin tinuturuan ay katutubo kailangan mag-aral sila ng wikang katutubo,” she said.
“Sa wika namin, wala kaming “o” puro “u” yung “u” na matigas at ang “S” namin pinapalitan ng “H”. Bigyan ko kayong halimbawa – (Saan ka pupunta) Haay ka maku,” Sison added.
“Marami kaming tinatawag na hiram na salita – kung hindi ako nagkakamali, mayroon lamang 16 na letra ang aming alpabeto sa lengguwaheng Magbukun. Wala kaming ‘e’ na malambot panay ‘I’. Halimbawa, ang bebe di ba ‘e’ iyon sa amin bibi. Ang bundok ay bukil, ang mag-ina ay mag-indu,” she added.
Sison considers their language no longer dying. “Ang wikang Magbukun ay siyang pagkakakilanlan sa amin bilang isang katutubong Magbukun kaya kailangan alam namin ang lengguwahe namin. Sa unang pagkakataon sa Region 3, kami lang muna ang mayroong Bahay Wika. Iyan ang aming pinagsumikapang maitayo sapagkat nanganganib na ang mga batang isinisilang ngayon dahil sibilisado na ang aming lugar marami ng hindi katutubo.”
“Madaling mahawa ang katutubo ng wikang Tagalog. Iyan ang naging dahilan namin dahil baka wala na kaming mga elders papaano na ang mga pagkakilanlan lalo na yung mga apo ko hindi na mga kulot, half-half ang nanay ko ang purong katutubo ang tatay ang unat kaya hanga ako sa inang ko dahil hindi siya nag-aral pero pinalaki niya kaming alam namin ang wikang Magbukun kaya kaming tatlong magkakapatid mga master kami,” Sison said.
“Mula noong bata tinuturuan na kami ng magulang namin na magslita ng Magbukun. Ang ordinansa na ito ay yung bago sumapit sa day care ang isang batang katutubo ay kailangan munang dumaan sa Bahay Wika, makagraduate sa Bahay Wika. Wikang Magbukun lamang ang itinuturo ng kalahating araw Lunes hanggang Biyernes,” SB member Reyes said.
Reyes, Sison, some teenaged Aeta natives and IP elder Rebecca Reyes, 60, translated some Tagalog phrases into Magbukun like Yaraw hapag latung kay ti ha Bangkal (welcome to Bangkal), mangan kaw wa na (kain na kayo), yaraw wa ratu (magandang araw), hay para kay na (kamusta ka), mahal kita (iniibug kita), nagagalit ako sa iyo (napupuut kuy ika).
“Ang awu ay oo o opo depende sa pagbigay ng salita. Ay para (kamusta). Mabuti, maganda, iyon lahat ay Yaraw. Ang good morning ay Yaraw wa ratu, ang tanghali naman ay yaraw wa ugtu pagbati ito at sa gabi naman ay Yaraw wa yabi. Kung magandang araw naman ay yaraw wa ulu,” Aeta elder Reyes said.
She said that in Bataan only the town of Pilar has no Aeta native while members of the Ambala tribe settle in Hermosa and Dinalupihan with the Magbukun tribe in the rest of the 11 towns and a city. There are more or less 6,000 IPs in Bataan, she said.
“Ang ginagamit ko at ako ay proud to be aeta Magbukun, Magbukun ang lengguwahe namin. Magbukun ang gamit namin sa bahay at iyon ang isang sekreto na para mapreserba mo ang wika ay unang- unang gamitin sa bahay. Ang nanay ko ay isang aeta Magbukun at ang tatay ko ay isang Tagalog,” Mrs. Reyes said.
“Partikular sa Bangkal, sinisikap naming mga elder mismo ang pamayanan na manatili, mapreserba ang aming wika mismo,” the elder said.
“Ang wika namin ay ipinepreserba namin subalit anim na taon ang nakalipas mula ngayon ay talagang masasabi ko na patay na, wala na, nawawala na at iilan- ilan at iyon ay nakita ng Komisyon ng Wikang Pilipino. Sinikap namin kasi kahit sino pa ang magpepreserba nito, mismo dapat mula sa komunidad, pamayanan ng katutubo ang magpupursige at mangangarap,” Reyes added.
“Maganda ang ibabalita ko sa inyo mula sa anim na taon na iyon hanggang ngayon ang namamatay naming salita ngayon ay buhay na buhay na pati ang kultura namin. Bago magkaroon kami ng Bahay Wika sa aming pamayanan, ang nagsasalita noon ay ang matatanda lamang masasabi nating 50%,” she furthered.
“So hangad namin na 100%. Ngayon last month, nagkaroon kami ng monitoring evaluation assessment, ngayon ay nasa 90% at sinisikap namin ang aming plan for next 5 years 101% lahat kami. Kaya tulong-tulong lang at sama – sama kaming mga elders, pamayanan. Nasa pamayanan ang sikreto at nasa bahay,” Reyes, also employee of the National Commission on Indigenous Peoples in Bataan said. (30)