Duty to reply

    465
    0
    SHARE
    Isang maliit na tagumpay ang natamo ng mga mamamahayag sa bansa sa utos ni House Speaker Prospero Nograles na ibalik sa komite ang panukalang right of reply.

    Sabi ng ilan, malamang patulugin na sa komite ang nasabing panukalang batas. Tulog na beybi.



    Batay sa pahayag ni Rep. Pablo Garcia, “back top freezer” ang right of reply.

    Hanggang kailan?  Paano kung mawalan ng kuryente, baka mabulok. Aba mas maganda!



    May mga nagsasabing unang tinangkang isulong ang right of reply noong panahon ng  Martial Law o mahigit 30 taon na ang nakakaraan.

    Ibig bang sabihin nito ay magpapalipas uli tayo ng 30 para muling buhaying ang panukalang right of reply.  Sana nga mawalan na ng kuryente!



    Ayon sa mga mamamahayag, dapat palitan ang RIGHT of reply ng DUTY to reply.

    Marami kasing opisyal partikular na ang mga pulitiko na ayaw mag-reply kapag tinatawag at tinatanong ng mga mamamahayag.



    Sabi naman ng mga Bulakenyo, dapat ay duty to INTELLIGENT reply.

    Sawa na sila sa pahayag ng mga pulis na”wala akong alam diyan.  Mag-resign na lang kaya sila?



    Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ng reply ang Sangguniang Panglalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Vice Governor Willy Alvarado mula sa pamunuan ng SM City “baliwag.”

    Gusto kasing malaman ni Alvarado kung bakiit maliit na titik “b” ang ginamit ng SM City sa pangalan ng bayan ng “Baliwag.”



    Ayon kay Alvarado, noong pang Enero sila nagpahatid ng liham sa SM City baliwag, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring sagot.

    Iyan ang right to remain silent.



    Binatikos naman  ni Bokal Vicente Cruz ng Malolos City ang maramihang concurrence para sa mga department head ng kapitolyo na inihain ni Bokal Ernesto Sulit ng San Miguel sa Sangguniang Panglalawigan nitong Lunes.

    Oops!  Sumabit na naman si Sulit.



    Ayon kay Cruz, hindi dapat bigyan ng concurrence ng SP ang lahat ng department head ng kapitolyo ng Bulacan dahil magkakaiba ang personalidad at tungkulin ng mga ito.

    Isa sa tinukoy ni Cruz ay ang hepe ng General Services Office (GSO) na si Engr. Ireneo Mendoza na asawa ni Provincial Administrator Pearly Mendoza.



    Ngunit hindi ang pagiging mag-asawa ang pinuntusan ni Cruz sa halip ay ang diumano’y pagbibigay nito ng kontrata sa Jorwees Restaurant na pinirmahan ni Gob.Joselito Mendoza, ngunit walang awtorisasyon mula sa SP.



    Ayon kay Cruz, bilang hepe ng GSO, dapat pangalagaan ni Mendoza ang lahat ng ari-arian ng pamahalaang panglalawigan.

    Pero mukhang pinaaalagaan naman sa iba, di ba?



    Hinggil naman sa isyu sa hanay ng mga mamamahayag, hindi lang ang panukalang right of reply ang dapat banatayan.

    Dapat ding bantayan ang kapakanan ng mga mamamahayag na karaniwan ay tumatanggap lamang ng starvation allowance o maliit na suweldo, kung minsan ay wala o masyadong delayed.



    Dapat bigyang pansin ang isyung ito dahil sa may pamilya rin ang mga mamamahayag na umaasa sa kanila. Kung minsan, nagkakasakit pa, hindi naman puwede na palaging tatapalan ng dahon ng katigbe ang bahagi ng katawan na sumasakit.

    Mas malaki ang problema ng mga mamamahayag na masyadong “mababa” ang loob dahila maraming pamilya ang umaasa sa kanila.  Ibig sabihin, marami ang asawa.



    Kaugnay nito, dapat ding tutukan ng mga mamamahayag ang kanilang social responsibility. 

    Kabilang dito ay ang pagsasagawa ng mga forum, lecture at katulad na gawain upang maipaliwanag sa taong bayan na sa lipunang demokratiko, lubhang mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga mamamahayag.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here