Kung ang akusasyon at kontra demanda
Ni Mayor Tumang sa naunang nagsampa
Na sina VM Roy, Rex Calma’t iba pa,
Sa Ombudsman ng kung anong anomalya
Na diumano ay kinasasangkutan
Ng nasabing mayor at nitong tatlo pang
Kasama sa ‘complaint’ ay napatunayang
Nagkasala nga yan sa panunungkulan
Ng kasong ‘Anti-Graft & Corrupt Practices’
Base sa ‘oral at physical evidence,’
Na isinumite nina Councilors Rex,
Emmanuel Manalo’t Rudencio Gonzales
Sa pangunguna ni VM Manalastas,
Laban kay Mayor at umano’y kasabwat
Ay posibleng malalaman na at sukat
Ng taga Mexico kung sino ang dapat
Paniwalaan sa magkabilang kampo
At nagsasabi talaga ng totoo,
Partikular na sa iba’t-ibang isyu’ng
Kina Mayor Tumang ay ibinabato
Ni VM Roy at ng tatlong konsehales,
Na kung saan yata ay ‘ghost deliveries’
Itong ‘subject matter’ ng isyung ‘plunder case,’
Liban sa ibang pang ‘untoward practices’
Na pinag-gagawa umano ni Tumang
Noong ‘under construction’ pa ang ospital
Na ipinatayo ng pamahalaang
Bayan ng Mexico kamakailan lamang.
At kung saan pati ‘construction materials,’
Ay kasama yata sa di paninda r’yan
Ng kumpanyang ginamit ang resibo n’yan
Sa transaksyon wala itong kinalaman.
Pero kung ang lahat ng ibinabato
laban kay Mayor Tumang ay di totoo,
Ngayon malalaman ng taga Mexico
Kung ang alkalde ay dapat pang iboto
Bagama’t sila o itong oposisyon
Ang dapat sigurong sisihin sa puntong
Sila’y tila kusang nagpabaya noon
Sa di paglagay ng kandidatong mayor.
At hinayaang si Mayor Tumang lamang
Ang nag-file ng C.O.C. at wala siyang
Nakalaban sa pagiging mayor bilang,
Kaya ‘unconstested’ sa puntong naturan.
At natural lang na siya itong dapat
Maupo sa puestong pinakamataas
Sa Mexico, at si VM Manalastas
Ang kwenta ‘presiding officer’ at sukat.
Sa naturang punto, di ko ninanais
Kampihan ang alin mang ‘party’ o panig,
Kundi manapa sa usaping nabanggit
Ay mamagitan at ating ipabatid
Sa taongbayan ang tunay at totoo
Hinggil sa isyung kung saan diumano
Ay may sabwatan sa taga munisipyo,
At ng iba’t-ibang dito’y may negosyo.
Kaya anuman ang posibleng hantungan
Ng kasong ‘plunder’ laban kay Mayor Tumang,
Umasa po tayong ang katotohanan
Ang mangibabaw sa hatol ng Ombudsman!
Ni Mayor Tumang sa naunang nagsampa
Na sina VM Roy, Rex Calma’t iba pa,
Sa Ombudsman ng kung anong anomalya
Na diumano ay kinasasangkutan
Ng nasabing mayor at nitong tatlo pang
Kasama sa ‘complaint’ ay napatunayang
Nagkasala nga yan sa panunungkulan
Ng kasong ‘Anti-Graft & Corrupt Practices’
Base sa ‘oral at physical evidence,’
Na isinumite nina Councilors Rex,
Emmanuel Manalo’t Rudencio Gonzales
Sa pangunguna ni VM Manalastas,
Laban kay Mayor at umano’y kasabwat
Ay posibleng malalaman na at sukat
Ng taga Mexico kung sino ang dapat
Paniwalaan sa magkabilang kampo
At nagsasabi talaga ng totoo,
Partikular na sa iba’t-ibang isyu’ng
Kina Mayor Tumang ay ibinabato
Ni VM Roy at ng tatlong konsehales,
Na kung saan yata ay ‘ghost deliveries’
Itong ‘subject matter’ ng isyung ‘plunder case,’
Liban sa ibang pang ‘untoward practices’
Na pinag-gagawa umano ni Tumang
Noong ‘under construction’ pa ang ospital
Na ipinatayo ng pamahalaang
Bayan ng Mexico kamakailan lamang.
At kung saan pati ‘construction materials,’
Ay kasama yata sa di paninda r’yan
Ng kumpanyang ginamit ang resibo n’yan
Sa transaksyon wala itong kinalaman.
Pero kung ang lahat ng ibinabato
laban kay Mayor Tumang ay di totoo,
Ngayon malalaman ng taga Mexico
Kung ang alkalde ay dapat pang iboto
Bagama’t sila o itong oposisyon
Ang dapat sigurong sisihin sa puntong
Sila’y tila kusang nagpabaya noon
Sa di paglagay ng kandidatong mayor.
At hinayaang si Mayor Tumang lamang
Ang nag-file ng C.O.C. at wala siyang
Nakalaban sa pagiging mayor bilang,
Kaya ‘unconstested’ sa puntong naturan.
At natural lang na siya itong dapat
Maupo sa puestong pinakamataas
Sa Mexico, at si VM Manalastas
Ang kwenta ‘presiding officer’ at sukat.
Sa naturang punto, di ko ninanais
Kampihan ang alin mang ‘party’ o panig,
Kundi manapa sa usaping nabanggit
Ay mamagitan at ating ipabatid
Sa taongbayan ang tunay at totoo
Hinggil sa isyung kung saan diumano
Ay may sabwatan sa taga munisipyo,
At ng iba’t-ibang dito’y may negosyo.
Kaya anuman ang posibleng hantungan
Ng kasong ‘plunder’ laban kay Mayor Tumang,
Umasa po tayong ang katotohanan
Ang mangibabaw sa hatol ng Ombudsman!