Home Headlines DTI: Gawang local, tangkilikin

DTI: Gawang local, tangkilikin

637
0
SHARE

LUNGSOD NG CABANATUAN – Hinikayat ng Department of Trade and Industry ang publiko na suportahan at tangkilikin ang mga lokal na produkto kasabay ng pagbubukas ng trade fair sa sa isang mall sa lungsod na ito nitong Miyerkules.

Ayon kay Dr. Richard Simangan, director ng DTI-Nueva Ecija, layunin ng Bida MSMEs Negosyo Center Trade Fair sa NE Pacific Mall na ipakilala ang mga produkto na likha sa lalawigan.

Ito ang ikalawang taon na isinagawa ang trade fair para sa mga micro, small and medium enterprises na sinusuportahan ng mga DTI Negosyo Centers mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan.

“Nais ng DTI na higit pang lumago ang mga negosyo sa Nueva Ecija,” ani Simangan.

Paliwanag ng opisyal, ang mga negosyo centers na matatagpuan sa mga munisipyo ay nakatutok sa mga MSMEs na ito upang gumabay sa lahat ng aspeto ng pagnenegosyo.

Hinikayat niya ang mga mamimili na tangkilikin ang mga produkto sa trade fair lalo na ngayong nalalapit na holiday season.

Mahalaga aniya ito upang makabangon ang mga negosyo na naapektuhan ng pandemyang dulot ng Covid-19 at kalamidad.

Ang Bida MSMEs Negosyo Center Trade Fair ay tatagal hanggang sa ika-6 ng Nobyembre.

Kamakailan ay isa ring trade fair ang itinaguyod ng DTI-Nueva Ecija kaalinsabay ng selebrasyon ng Buwan ng Kooperatiba.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here