Home Headlines DSWD, may emergency shelter assistance sa mga quake survivors

DSWD, may emergency shelter assistance sa mga quake survivors

993
0
SHARE

(Si Department of Social Welfare and Development Regional Director Gemma B. Gabuya. PIA 3 File Photo)

LUNGSOD NG SAN FERNANDO —  Nakatakdang bigyan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ng Emergency Shelter Assistance ang mga pamilyang naapektuhan ng 6.1 magnitude na lindol nitong Abril 22.

Batay sa isinagawang pagsusuri ng mga kawani ng DSWD, 3,135 bahay sa buong rehiyon ang nasira dahil sa lindol kung saan 905 ay totally damaged at 2,230 ang partially damaged.

Ayon kay DSWD Regional Director Gemma B. Gabuya, karamihan sa mga nawasak na bahay ay nasa Pampanga, partikular sa bayan ng Porac kung saan  653 ang totally damagedat 1,259 ang partially damaged.

Tatanggap ang mga pamilyang may totally damaged na bahay ng 30,000 piso at bibigyan ng sampung araw na cash for work.

Samantala, 10,000 piso naman at limang araw na cash for work ang tatanggapin ng mga pamilyang maypartially damaged na bahay.

Bago nito, naunang nang nagpaabot ng tulong na nagkakahalaga ng 2.45 milyong piso ang ahensya sa mahigit limang libong apektadong mga pamilya sa rehiyon.

Idineploy din ang mga kawani ng DSWD sa mga apektadong lugar upang magsagawa ng pagsusuri at magbigay ng psycho-social support. (CLJD/MJLS-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here