ORANI, Bataan – Bumagsak sa kamay ng pulisya Miyerkules ng hapon ang diumano’y kilalang drug pusher sa Orani at Hermosa, dalawang bayan sa Bataan, at nakumpiska sa kanya ang tatlong bricks ng pinatuyong marijuana fruiting tops.
Ayon kay Chief Insp. Edgar Balagso, Orani police chief, nahuli ang tricycle driver na si Jovet Macaspac, 24, sa isang buy-bust operation sa barangay Bayan, Orani bandang 3:30 ng hapon.
“Ito’y resulta ng matagal at masigasig na pagmamanman sa kanya ng pinagsanib na puwersa ng Hermosa at Orani police bilang kampanya ng pulisya sa ipinagbabawal na gamot,” pahayag ng hepe.
Bagama’t inamin diumano ng suspek na sa Lubao, Pampanga galing ang marijuana, sinabi naman nitong hindi niya kilala ang pinanggalingan ng ipinagbabawal na substance. “Ang identity ng source ang kasalukuyan pa naming inaalam,” sabi ng police chief.
Nahaharap ang suspek sa kasong violation of Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o mas kilalang Anti-Illegal Drugs Act. Nakatakda itong iharap sa Bataan Prosecutors’ office sa Balanga para sa inquest.
Napatunayan sa pagsusuri ng chemist sa Bataan Crime Laboratory sa Balanga City na talagang pinatuyong marijuana fruiting tops ang nakumpiska sa suspek.
Itinanggi naman ni Macaspac na nakakulong sa Orani Municipal Police Station na siya ay isang drug pusher.
Pinapurihan ni Senior Supt. Arnold Gunacao, Bataan police director, ang Hermosa at Orani police stations sa patuloy na kampanya laban sa ipinagbabawal na droga.