Home Headlines Drug den sinalakay, 5 arestado ng PDEA-Zambales

Drug den sinalakay, 5 arestado ng PDEA-Zambales

196
0
SHARE

SUBIC, Zambales — Arestado ang limang suspek matapos maaktuhan sa loob ng drug den sa isinagawang pagsalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Zambales sa Barangay Calapacuan madaling araw ng Abril 13.

Kinilala ng PDEA-Zambales ang mga naaresto, pangunahing ang kanilang target na si alias Drey, 34; kasama sina alias Ar-Ar, 43; alias Ney, 35; alias Tonio, 25; at alias Kel, 29.

Nakuha sa mga nadakip na suspek ang anim na plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000, iba’t ibang drug paraphernalia, at buy-bust money.

Kasama sa operasyon ang mga operatiba ng Subic Police Station, Zambales Police Provincial Office Drug Enforcement Unit, at Naval Intelligence Security Group-Northern Luzon.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).  Photos PDEA Zambales

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here