Home Headlines Drug den operator, 4 iba pa timbog

Drug den operator, 4 iba pa timbog

302
0
SHARE

SUBIC, Zambales  — Arestado ang isang drug den operator at apat na iba pa sa loob ng makeshift drug den na nagresulta sa pagkakakumpiska  ng may P68,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Baracha-Camachile, madaling araw ng Nov. 15.

Sa ulat ng PDEA Zambales Provincial Office ang makeshift drug den ay matatagpuan sa Purok 2, Aroma na pinapatakbo ng isang Leonardo U. De Vera, 41.

Maliban kay De Vera, ang apat pang suspek na nasakote ay kinilalang sina Christopher B. Bolante, 30; Almira G. Herda, 29; Ray-Ban L. Rogacion, 38; at Sonny M. Libre, 30.

Nakumpiska ng PDEA  ang may pitong piraso ng transparent plastic sachets ng shabu na tumitimbang ng 10 gramo na nagkakahalaga ng P68,000, ibat-ibang drug paraphernalia, at marked money.

Ang operasyon ay isinagawa ng  joint operatives ng PDEA Zambales,, PDEA-SBMA Seaport Interdiction Unit, Subic police.

Ang mga suspek ay ikukulong sa PDEA Regional Office III Jail Facility, habang ang mga suspek ay ipaghaharap ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Photos; PDEA-Zambales

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here