Home Headlines Drivers na may violation inawitan, binigyan ng regalo ng pulisya

Drivers na may violation inawitan, binigyan ng regalo ng pulisya

1178
0
SHARE

Hawak ng mga miyembro ng pulisya ng Abucay ang mga teddy bear handkerchiefs na pinangregalo sa mga drivers. Contributed photo



ABUCAY, Bataan
Matapos magalang na payuhan ng mga pulis sa bayang ito ang mga driver na may violation, sa halip na hulihin o pagmultahin ay inawitan pa sila ng Christmas songs at binigyan ng regalong teddy bear handkerchief at pinaalalahanan na maging maingat sa pagmamaneho.

Naglagay ng checkpoint sa Roman Highway ang Abucay police sa pangunguna ng kanilang hepe na si Major Leopoldo L. Estorque at pinahinto ang mga sasakyan for inspection. Hiningi ang driver’s license at sinabihan na may violation.

Ngunit bago pa man makasagot ang kinabahang driver, sinabihan ito ng hepe ng pulisya na dahil Pasko at Bagong Taon ay pinatatawad na ang driver sabay pagkanta ng Pamaskong awitin ng mga pulis na nakasuot ng Santa Claus cap.

Nag-inspeksiyon din si Estorque sa mga paradahan ng tricycle at matapos ang ilang paalaala sa mga driver ay hinandugan sila ng awiting Pamasko ng mga pulis at binigyan ng regalong teddy bear handkerchief.

Tinawag ng Abucay police ang proyektong ito na “Panyo-Maskong Handog para sa mga Driver”.

“Kahit sa maliit na paraan ay nais naming makapagbigay ng saya sa panahon ng pandemya at maipaalaala sa mga driver na laging maging maingat,” sabi ni Estorque.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here