Panay ang kuwento ng dalawang staff ng isang film outfit tungkol sa kakirian ng isang ngayon ay nagpapakaktres na dating sexy starlet.
Noong una, ayaw sana nilang magbigay ng detalye pero dahil naiinis sila sa sobrang kalandian kuning–kuning ni aktres-aktresan, napilitan na silang magkuwento sa amin.
"Nakikipagkita siya kay ____ sa Hongkong. Marami ang nakakita sa kanilang dalawa roon. Na pinaniniwalaan ko dahil alam kong dito palang sa Pilipinas, panay na’ng lingkis niya sa lalaki.
Yung alalay niya, trained na trained kaya napakagaling magsalita kay___.
Minsan, kunwari, nagtatanong ang alalay na pinarinig sa sportsman kung magkano ang I-Pod. ‘Yun pala, tinatanong siya nito dahil ng nakaraang araw, nagsabi ito na gusto ng amo niya ng I-POD.
Nagkataong nakalimutan daw ni sportsman na bilhin ang bilin sa kanya ng lumalantong na starlet kaya ora mismo, nagbigay na lang ito ng twrnty thousand para pambili ng I-POD. Nakainis ang mag-among ito, magkasapakat pa sila," mahabang kuwento pa ng staff.
And did you know na pati tatay na actor ng malanding aktres ay sumasapaw din sa eksena. Alam yata niyang puwede niyang mapakinabangan ang sportsman kaya panay din ang sipsip niya.
"Like father, like daughter lang sila, pera ang malinaw na dahilan kung bakit sila halos kulang na lang ay pumulupot sa mayamang sportman.
Anway, sa unang bahagi ng kuwentong ito, ay may nakakita nga raw sa sportsman at kay aktres sa Hongkong.
Ano kaya ang ginawa nilang dalawa roon bukod sa umatikabong shopping?
Umatikabo rin kaya ang sex bout nila na kumbaga sa boxing ay inaabot ng 12 rounds?