KUNG ANG naging sanhi nitong pagkabalam
ng dapat sana ay papatapos na r’yang
Pandan-Magalang Road at saka iba pang
‘road widening’ sa may dakong kahabaan
Nitong Balibago papunta sa ‘Main gate’
ng Clarkfield at saka papasok ng Friendship –
Ay itong anila ay ‘inefficiencies’
ng DENR at DPWH
Na naging dahilan ng pagka-atraso
nitong naturang mahalagang proyekto
sa Angeles city ng Alkalde rito,
na inaasahang bago mag-Enero
Ng ‘year 2015’ ay ‘completely finished’
upang kaugnay ng gaganaping ‘summit’
ng APEC, dito sa loob nitong Clarkfield,
Ang mga kalsadang yan ay magagamit
Ng walang ‘obstruction,’ at kaaya-ayang
masdan ng balana ang kapaligiran,
Partikular nitong taga ibang bansang
magsisidalo sa ‘summit’ na naturan.
Kawalan ng sapat na koordinasyon
ng DPWH kay city Mayor
Ed Pamintuan itong ‘delays in completion’
Ng lahat – sapagkat di yata ‘well informed’
Si EdPam hinggil sa kaukulang ‘budget,’
Na kinakailangan niyang i-‘allocate’
Para sa ‘right-of-way cost’ ng ganyang ‘project’
Na sagutin dapat ng ‘city government?’
Ganun pala bakit di sinabi agad
nitong sa DPWH ay sukat
magpa-abot kay Mayor ng nararapat
na ‘protocol’ para bumilis ang lahat?
Gayong ang ‘notice to proceed’ ay noon pang
nakaraang Mayo dos mil trese pa niyan
Sa DPWH ay ibinigay
upang ang proyekto ay maumpisahan.
At nalaman lamang din ni Mayor EdPam
na ang ibang parte ng proyektong iyan
ay di basta na lang puedeng umpisahan
dala ng kakulangan ng DENR
Na makapag-isyu ng kailangang ‘permits’
para sa gagawin nilang ‘cutting of trees,’
sa kahabaan ng proyektong nabanggit
upang ang pag-gawa ay mapapabilis.
At nang komprontahin nga lang ni Pamintuan
ang ‘concern offi cers’ nitong DENR,
ay saka lamang din niya natuklasan
na di makita sa ‘files’ ang kasunduan
Sanhi ng umano’y napalitan yata
ang dating ‘regional director’ kung kaya
ang mga papeles parang “nasalaula?,”
Kundi man talagang ito’y nangawala?!
So, ano pa nga bang ating maasahan
sa DPWH at DENR,
Kung di sa nangyaring grabeng kapalpakan
ng isa’t-isa ay kundi ng sisihan?
Na karaniwan ng ating namamalas
sa nakararaming ‘government officials,’
Partikular na riyan sa nakatataas
kapag nakagawa ng bagay na palpak.
Tulad na lang nitong ‘subject’ natin ngayon,
na nagtuturuan – ‘who is to be blamed for:’
Yan sa ganang aking sariling opinyon
Ay sa Malakanyang marapat itanong!