Home Headlines DOST, nagkaloob ng 1,060 Nutribun sa mga bakunador sa Malolos  

DOST, nagkaloob ng 1,060 Nutribun sa mga bakunador sa Malolos  

1188
0
SHARE

Pinagkalooban ng Department of Science and Technology ang mga bakunador sa Malolos ng meryendang Enhanced Nutribun na aabot sa 1,060 na piraso. (Shane F. Velasco/PIA 3)


 

LUNGSOD NG MALOLOS — Pinagkalooban ng Department of Science and Technology o DOST ang mga bakunador sa Malolos ng meryendang Enhanced Nutribun na aabot sa 1,060 na piraso.

Mismong si DOST Secretary Fortunato Dela Peña ang nagdala nito sa kasagsagan ng Bayanihan Bakunahan sa Bulacan Capitol Gymnasium at Robinsons Place Malolos, kung saan nasa 100 mga bakunador ang nakatanggap.

Ayon sa kalihim, isa lamang payak na ambag ito ng DOST sa pamamagitan ng Food and Nutrition Research Institute upang pasalamatan ang mga bakunador na walang tigil na nagbabakuna sa mga karaniwang tao na hindi pa nagkakaroon ng unang dosis.

Bahagi rin ito ng promosyon ng “Ang Pagbabalik ng Nutribun” na ngayo’y bahagi ng ginagawang Supplementary Feeding Program sa mga pampublikong day care centers at iba pang sektor na nangangailangan ng wastong nutrisyon.

Bawat isang piraso ng Enhanced Nutribun ay may bigat na 160 hanggang 165 na gramo. Taglay nito ang 504 na calories, 17.8 grams ng protein, 6.08 milligrams iron at 244 micrograms na vitamin A.

Apat na mga panaderya sa Bulacan ang binigyan ng DOST ng pahintulot upang maging technology adaptors nitong Enhanced Nutribun na may iba’t ibang flavors gaya ng sweet potatoes, carrots at squash. (CLJD/SFV-PIA 3)

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here