Home Headlines DOST Aurora namahagi ng E-learning materials sa mga paaralan sa Dipaculao

DOST Aurora namahagi ng E-learning materials sa mga paaralan sa Dipaculao

151
0
SHARE

BALER, Aurora (PIA) — Namahagi ng E-learning materials ang Department of Science and Technology (DOST) sa mga pampublikong paaralan sa Dipaculao, Aurora. 

Naging benepisyaryo ng kabuuang 12 Prompt Recovery Education Program with Network-Enhanced Teach Aid (Prep-Net) ang Dinadiawan Elementary School at Dinadiawan High School, mga paaralang napuruhan ng nagdaang bagyong Pepito.

Ayon kay DOST Aurora Supervising Science Research Specialist Maria Ana Espiritu, layunin ng naturang inisyatiba na tiyakin na magpapatuloy ang probisyon ng dekalidad na edukasyon sa mga komunidad na walang access sa kuryente.


Namahagi ng kabuuang 12 Prompt Recovery Education Program with Network-Enhanced Teach Aid ang Department of Science and Technology sa Dinadiawan Elementary School at Dinadiawan High School sa Dipaculao, Aurora. Sila ang mga pampublikong paaralan na napuruhan ng nagdaang bagyong Pepito. (DOST)

Bawat yunit ng Prep-Net ay mayroong E-learning tablet kung saan ma-a-access ng mga guro ang mga K-12 module na inaprubahan ng Department of Education.

Mayroon din itong battery-operated na projector na pwedeng i-konekta sa E-learning tablet para makita ng mga mag-aaral yung mga module. 

Patuloy na umaagapay ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang lubusang makabangon ang lalawigan ng Aurora mula sa naging epekto ng bagyong Pepito. (CLJD/MAT, PIA Region 3-Aurora)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here