Doon po sa amin, lalawigan ng Bulacan
May isang pulis, asal ay hari-harian
Huwag na huwag mong makakanti
Siya daw ay walang kiliti.
Pulis na bagong salta sa Bulacan
Ang dapat tugisin ay mga tulisan
Mga kriminal na kalaban ng batas
Ang dapat niyang iharap sa batas.
Ngunit sa umpisa pa lamang
Laglag na ang pulis na matapang
Hamak na mamamahayag dinuro
Nang kanyang ligwak na hintuturo.
Oy, mamamahayag wag mangarap
Pulis na matapang ay makausap
Siya abala sa maraming bagay
Sa galit niya, baka ika’y madamay.
One day, isang araw, siya’y nakapanayam
Nitong mamamahayag na minsay’ inuyam
Sabi ng pulis, wala ka ng masasabi
Ako’y nakapanayam mo na ngayong gabi.
May payo pa ang bagong saltang pulis,
Dapat ay puntahan mo ko sa opis
Para ano at para saan
Upang makipagbolahan?
Doon po sa amin, lalawigan ng Bulacan
Pulis na matapang napag-uusapan
Nais niya ay puntahan
Sa tanggapan niyang may kalamigan.
Bagong saltang pulis, sa ami’y kakaiba
Gobernador nami’y dapat mangamba
Serbisyo’y hatid niya doon sa barangay
Ngunit itong pulis, sa opis nagpapahingalay.
Doon po sa amin, lalawigan ng Bulacan
Apat na gunrunner ay nakaliskisan
Ngunit puno ng aming kapulisan
Parang nabikig katahimikan.
Malaking accomplishment kung tutuusin
Isang caliber 30 machine gun nais perahin
Ngunit mga tiktik na pulis ay alisto
Big time syndicate kanilang nabisto.
Tanong dito, tanong doon
Pulis ng Bulacan ayaw tumugon
Mayroon ba silang itinatago
O sana’y silang nakatalungko?
Nasaan na ang kanilang imbestigasyon?
Nagkaroon ba ng mga kumplikasyon
Hindi ito simpleng kaso ng gun running
Dapat suriin mga kuneksyong tumataginting.
May isang pulis, asal ay hari-harian
Huwag na huwag mong makakanti
Siya daw ay walang kiliti.
Pulis na bagong salta sa Bulacan
Ang dapat tugisin ay mga tulisan
Mga kriminal na kalaban ng batas
Ang dapat niyang iharap sa batas.
Ngunit sa umpisa pa lamang
Laglag na ang pulis na matapang
Hamak na mamamahayag dinuro
Nang kanyang ligwak na hintuturo.
Oy, mamamahayag wag mangarap
Pulis na matapang ay makausap
Siya abala sa maraming bagay
Sa galit niya, baka ika’y madamay.
One day, isang araw, siya’y nakapanayam
Nitong mamamahayag na minsay’ inuyam
Sabi ng pulis, wala ka ng masasabi
Ako’y nakapanayam mo na ngayong gabi.
May payo pa ang bagong saltang pulis,
Dapat ay puntahan mo ko sa opis
Para ano at para saan
Upang makipagbolahan?
Doon po sa amin, lalawigan ng Bulacan
Pulis na matapang napag-uusapan
Nais niya ay puntahan
Sa tanggapan niyang may kalamigan.
Bagong saltang pulis, sa ami’y kakaiba
Gobernador nami’y dapat mangamba
Serbisyo’y hatid niya doon sa barangay
Ngunit itong pulis, sa opis nagpapahingalay.
Doon po sa amin, lalawigan ng Bulacan
Apat na gunrunner ay nakaliskisan
Ngunit puno ng aming kapulisan
Parang nabikig katahimikan.
Malaking accomplishment kung tutuusin
Isang caliber 30 machine gun nais perahin
Ngunit mga tiktik na pulis ay alisto
Big time syndicate kanilang nabisto.
Tanong dito, tanong doon
Pulis ng Bulacan ayaw tumugon
Mayroon ba silang itinatago
O sana’y silang nakatalungko?
Nasaan na ang kanilang imbestigasyon?
Nagkaroon ba ng mga kumplikasyon
Hindi ito simpleng kaso ng gun running
Dapat suriin mga kuneksyong tumataginting.