Base sa nakalap nating impormasyon
Sa pamamagitan ng mga tinanong,
Na kung ang araw ng halalan ay ngayon
Ay sino kina Mayor Oca at Cong Dong
Ang ninanais na maging Kongresista
Ng taga 3rd District dito sa Pampanga,
Higit na marami ang nagsabing sila
Ay pabor dito sa talagang subok na
At sadyang ang taglay nitong kakayahan
Para sa posisyong pagka-Kinatawan
Ay tunay naman ding di matatawaran
Dala nitong siya’y sa batas maalam
Kung saan kumpara sa isa ay angat
Sa kualipikasyon bilang mambabatas
Ang kilala’t bantog na ‘World Class City Dad’
At Pangulong ‘League of Cities’ sa Pinas.
Samantalang ito kanyang katunggali
Sa posisyong siya ang may hawak dati
Ay sa‘public works’ lang at iba pang uri
Ng kasanayan yan puedeng mamalagi.
Dito ko sinasabing di mabuting tao
Itong si Dong upang di natin iboto,
Kundi bagkus sa di pagtanaw po nito
Ng utang na loob kay Ginang Arroyo
Na kanyang iniwan sa ere, nang si Mam
Ay maipit sa iba’t-ibang kaso riyan;
At d’yan natin siya lubos na pintasan
Bilang respetadong tao’t kaibigan
Ng mga Arroyo’t saka Macapagal,
Na nagtalusiran ang bumaligtad yan;
Kasabay halos ng pagkaka-ospital
Nitong nagdala kay Dong sa katanyagan
Upang makilala pati na sa labas
Ng bansa, at halos panganay na anak
Ng Pangulo nitong bansang Pilipinas
Ang turing kay Dong ng iba pang kaanak).
At di pa man umiwas ng makasuhan
Ang ating butihing 3rd District Congressman,
Kung kaya marahil gumawa ng ganyan
Na matatawag na grabeng kataksilan?
Humigit-kumulang, sa puntong nasabi
Ay isang bagay na di kapuri-puri
Kay Dong Gonzales ang ganyang pangyayari,
Na maari niyang ikatalo pati
Sa ambisyon nitong muling mahahalal
Sa ‘3rd District of Pampanga as Congressman’
Kung saan si Oca Rodriguez ang siyang
Tanging katunggali na makakalaban
Na inaasahang si Mayor Rodriguez
Ang sa eleksyon yan itong mananaig
Dahilan na rin sa subok na sa linis
At paghawak si Ocang ‘public office’
Dala narin nitong naging karanasan
Ni Rodriguez bilang dating Congressman,
Liban sa tunay namang maaasahan
Si Mayor pagdating sa isyung pambayan
Seselan naka mu ngara ring aliwa
Nunge me pa buri ing anti kangOca;
Pablasang bukud king asne kaganaka,
Keng pamagsilbi na pilmi kang tumula!