Ang mga sundalo na nagbibigay ng kanilang dugo.
LUNGSOD NG CABANATUAN – Umabot sa 27,500cc ng dugo ang naipagkaloob ng mga sundalo mula sa 7th Infantry Division ng Philippine Army sa bloodletting activity na pangunahing itinaguyod ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas – Nueva Ecija at Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center nitong Martes.
Ayon kay KBP-NE chair Joy Galvez-Dominado maingat na sinunod ang health protocols alinsunod sa itinatadhana ng inter-agency task force sa kabuuan ng aktibidad na ginanap sa 7ID headquarters sa Fort Ramon Magsaysay.
Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa bawat nakilahok na tinatawag niyang bayani, lalo’t matagal nang nai-plano ang gawain at naisakatuparan sa gitna ng paglaban ng bansa sa Covid-19 pandemic.
Batay sa record, 66 ang sundalo na nag-alok ng kanilang dugo ngunit 62 ang nakapasa matapos ang screening.
“Let us pray na maging pagpapala ang bawat bag ng dugo,” ani Dominado.
Ngayon panahon ng pandemya ay karaniwang 50 bag o donor lamang ang maasahan kaya’t kasiya-siya na umabot sa 62 bag ang naging donasyon, ayon kay Dr. Emedita Reyes, blood bank head ng PJGMRMC.
Ayon kay Dominado, miyembro din ng 7ID Multi-Sectoral Advisory Board, may mahabang kasaysayan na ng pagtutulungan ang KBP at 7ID, hindi lamang sa bloodletting kundi maging sa iba pang gawain, kabilang ang tree growing.
“Bloodletting is actually a regular activity of 7ID with KBP and PJGMRMC. It is extra special because it is part of the pre-planned post–Independence Day celebration of 7ID,” sabi naman ni Major General Alfredo Rosario Jr. ang 7ID commander.
Dagdag niya: “We want to help ensure that our provincial blood bank has enough safe blood to those who need blood. At the same time, we help keep our soldiers healthy, for by donating blood, our bone marrows are triggered to produce fresh, new blood for our system. It’s actually a win-win activity.”