Dolphy kritikal ang kundisyon

    401
    0
    SHARE

    Bilang spokesperson ng pamilya, humarap sa isang press conference si Eric Quizon, isa sa mga anak ni Dolphy, na ngayon ay nasa kritikal na kundisyon sa Makati Medical Center.

    Sa kanyang pahayag, sinabi ni Eric na critical ang lagay ng kanilang ama kaya humihingi sila ng maraming dasal sa sambayanan.

    “Gusto naming makasama nang mahabang panahon pa’ng aming ama. We are hoping for a miracle na sana magtagal pa’ng buhay niya,” emotional na salita pa ni Eric Quizon.

    Pero sa kabila ng kanyang paninukluhod ng dasal, inamin din ni Eric na nakahanda ang buong pamilya sa maaaring mangyari. Tanggap na namin yun pero hangga’t maari ‘wag sana muna siyang kunin sa amin.”

    Naniniwala rin daw si Eric sa milagro dahil nakita niya na nalampasan ng ama ang sampung pulmunya. Never in his lifetime daw  siya may nalamang nakaligtas sa sampung g pulmunya.

    Ang sinasabi ni Eric ay itong huling pagpasok sa ospital ng ama, nagamot naman ang kanyang pulmonya.

    Pero bilga ngang nagbago ang sitwasyon nang magkaroon ito ng kidney failure. Ito raw ang naging dahilan kung bakit bumaba’ng hemoglobin count na kailangang salinan siya ng dugo.

    Nakabait din daw sa respirator ang paghinga ng ama hanggang ngayon.

    Meanwhile, dialysis is being considered pero doudt daw ang mga duktor kung kakayanin ni Dolphy ang ganoong procedure.

    Nag-deteriorate rin daw ang mga organs ni Mang Dolphy at dahil dito kailangan talagang ang 24 hour management sa ICU.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here