Home Headlines DOLE, nagbigay ng kabuhayan sa 1,981 indibidwal sa Zambales

DOLE, nagbigay ng kabuhayan sa 1,981 indibidwal sa Zambales

723
0
SHARE

IBA, Zambales (PIA) — Nabigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng kabuhayan ang may 1,981 indibidwal sa Zambales sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Sa numerong ito, 1,248 ang mula sa lungsod ng Olongapo habang 733 ang taga San Marcelino.

Ayon kay DOLE Zambales Field Office Chief Reynante Lugtu, ipinagkaloob na ang kanilang sahod na nagkakahalaga ng nasa P4,600 bawat isa mula sa ipinagtrabaho sa loob ng 10 araw.

Nabigyan ng Department of Labor and Employment ng kabuhayan ang may 1,248 indibidwal sa Zambales sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers. (DOLE Zambales)

Nasa kabuuang P9.11 milyon ang inilaan ng ahensya para rito.

Ang TUPAD ay isang emergency employment program ng DOLE tuwing may kalamidad at krisis.

Bukod sa pagkakaloob ng agarang trabaho, pakikinabangan din ng komunidad ang kanilang mga ginawa gaya ng paglilinis ng mga kalsada, pagpapanatili na walang bara ang mga kanal, pagpapaganda sa mga tukoy na lugar sa barangay at iba pa. (CLJD/RGP-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here