DMIAC dapat, hindi CIAC

    444
    0
    SHARE

    NGAYONG naglabas na r’yan ng ‘marching order’
    si Pangulong Digong para madaliin
    ang pagpapatapos nitong ‘new passenger
    terminal at CIAC on top of projects lined’.

    Ganun din naman ang kanyang ini-atas,
    na itong ‘railway’ na magdurugtong sa Clark
    at Metro-Manila maipatapos dapat
    ‘prior to his 6 years stay at the Palace’

    As said by Bases Conversion Development
    Authority CEO and President
    Vivencio Dizon, this early he’s confi dent
    that said railway would be fi nished as expected.

    Sa kabilang dako, ang Pangulo ng CIAC
    Alex Cauguiran, ihahanda lahat
    ng tanggapan niya ang mga ‘bid contract’
    para sa disensyo ng ‘new airport’ sa Clark

    Upang ang trabaho ay maumpisahan
    ‘next year’ kapag okey na ang kasunduan,
    nang sa gayon pati na ang kagustuhan
    ng Pangulo na matapos ang terminal

    ‘Comes year 2019’ ganap na matupad
    (at magkarun tayo dito sa’tin sa Clark
    ng Pandaigdigang Paliparang ‘world class,’
    na ikararangal nitong Pilipinas!)

    Inaasahang sa mahigit sa P3 bilyon
    na magagamit na ‘funding allocation’
    at ani Alex ay ‘general appropriation,’
    tiyak ‘next year’ tapos lahat ang ‘construction’.

    At kung tunay nga na itong Malakanyang
    ay interisado yatang magtayo yan
    ng bagong ‘government center’ umno riyan,
    gagandang lalo ang ating Clark, kabayan.

    At makikilalang lubos itong bansa
    sa ‘International Community,’ Kaka
    kapag nagkataong itong ninanasa
    ng ating Pangulo ganap maipagawa.

    AT SANA, yaman din lang na ninanais
    ni Pangulong Digong (na tila kagalit
    na yata ni Uncle Sam itong Philippines)
    ang taguring Clark ay dapat nang mapalit

    At ang itawag ay ang sariling atin,
    gaya ng DPM, na aywan lang natin
    kung sinong nakialam, nagawang baguhin,
    ang katawagan na di dapat alisin.

    At itong dayuhan na isang piloto
    na wala rin namang naging papel dito
    para kilalanin… ang siyang inidolo,
    gayong sa ‘plane crash’ lang nadisgrasya ito.

    At wala rin naman yatang kaugnayan
    ni katiting sa nagdaang “2nd World War”
    para itong dating nirenta lang ni Sam
    ay kay Harold M. Clark ito pinangalan.

    Ipagpalagay na nating si Harol Clark
    ay may naging papel yan sa Pilipinas,
    eh bakit ang noon ay Dewey Boulevard
    ngayong pinalitan na ng Manuel Roxas?

    At itong iba pang nakapangalan din
    sa mga dayuhan napalitan na rin,
    kaya sa puntong yan mas makabubuting
    ang taguring Clark ay dapat nang tanggalin.

    Diosdado Macapagal International
    Airport na ang dapat nating itawag diyan,
    na ilang taon na nating katawagan,
    aywan lang kung bakit ya’y basta tinanggal?!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here