KUNG ganitong imbes lumiit ang bilang
nitong sa corona virus, araw-araw
patuloy ang paglobo ng hawaan,
hanggang kailang natin ito maiwasan?
Ngayong kahit ano yata r’yan ang gawin
ng ating D.O.H. upang nasabing
pandemya’y kanilang magawang durugin,
kabaligtaran sa nakikita natin.
Pagkat sa oras na tayo ay tamaan
nitong pambihirang sakit na naturan,
pati kapamilya’t mga kabarangay
di rin malayo na sila’y mahawaan.
Kaya nga’t kung tayo’y di maging maingat
at todo pasaway sa’ting otoridad
sa ‘social distancing’ na pinatutupad,
di malayong tayo’y tablan din at sukat.
Sobrang katigasan ng ulo ng iba
kung kaya marahil imbesa ang pandemya
di kumalat, ito’y mas tumitindi pa
sanhi ng kawalan din ng disiplina.
Gayon din naman sa panig ng gobyerno
kung ito’y wala rin epektibo plano
para solusyonan ang bagay na ito,
anong maasahan kundi rin ng ‘zero’?
Partikular na riyan ang atin D.O.H.,
lalo ang sangay n’yan na gaya ng Philhealth,
na pinamugaran nitong opisyales
na ‘Ali Baba’ at mga ‘Tulisanes’.
Anong maasahang tapat na serbisyo
mula sa hanay n’yan kung sadyang totoo
na ang ilan sa kanila ay ‘dorobo,’
kundi ng simot din ultimong sentimo?
Kaya kung tayo r’yan itong tatanungin,
kung ano ang sa kanila dapat gawin,
huwag lamang sa puesto ‘yan dapat sipain,
‘yan hangga’t maari ay ipakulong din.
Nang di pamarisan ng iba ang gaya
nitong sa sarili walang disiplina,
at sa dangal walang pagpapahalaga,
kaya nararapat sa akmang parusa.
Kaunting tigas din ng ngipin ang kailangan
ni Pangulo upang siya’y kasindakan
nitong sa kanya panay kumakalaban,
mula’t sapol hanggang sa kasalukuyan
Huwag hayaang ang kanyang pinangako
ay matulad lang sa bula na naglaho
kundi ng ika ni Pilosopong Tasyo.
huwag hayaang ang pangako ay mapako.
Sa puntong ito ay wala na marahil
tayong kay Duterte maaring hilingin,
kundi sana’y kahit kaunti paigtingin
ang ‘special power’ niya’t takdang tungkulin
Nang sa gayon ganap niyang maipatupad
ang salita niyang gagawin ang lahat
ng makakaya niya, sa ikauunlad
nitong nating Inangbayang Pilipinas.
At sana, tayo rin namang mamamayan
matutong sumunod, makipagtulungan
sa pamahalaan upang pandemayang
Covid-19 ay nawala nang tuluyan!