Direk nagtaray sa mgsa artista

    428
    0
    SHARE
    Umalma na rin ang premyadong writer-director, locally and internationally, na si Jun Lana tungkol sa post na horrible working conditions sa showbiz ng ilang website pati na si Director Quark Henares.

    Heto ang sunud-sunod na post sa Twitter ni Direk Jun:

    “2016 na, ’di ba? Hindi na dapat pinagtatalunan ang pagkakaroon ng benepisyo at maayos na working conditions ng talents. Karapatan nila ’yan. “Huling hirit. Ang crew, talents, contractual employees. Kahit 15 years ka nang PA, walang benefits. Pero talents ang nagpapayaman sa networks.

    “Buti ang director, nabibigyan ng tribute. Paano ’yung producer, PA, crew na nagkakasakit o natitigok dahil sa trabaho? May dumamay na ba sa kanila?

    “’Di ko nilalahat, pero may artistang nag-eendorso ng kandidato, para raw sa pagbabago. Sa showbiz nga, wala kayong paki, sa bayan pa natin?

    “Ngayong me namatay na director, eeksena kayo, iyak-iyak kayo.

    Eh, ’yung pagiging inconsiderate n’yo kaya ang isang dahilan kaya natigok sila. “Eh, ’yung iba, late na nga darating sa set, tatarantahin pa ang crew na unahin sila dahil may cut-off sila. Ang kakapal n’yo.

    “Mga artista ang dapat manguna para magbago ang sistema. ’Di ba sikat kayo, gamitin n’yo ’yan kung may malasakit talaga kayo sa crew. “Maraming artista, may cut-off. Dami mong kukunan na eksena, kailangan pang i-prioritize ang cut-off nila. Sila, bawal mapuyat, kami, ok lang?

    “So, of course, no on complains. Talent would rather die of heart attacks than lose their only means of livelihood.

    “Let’s get real. We know the standard response when talents demand for fair working hours. Fire them. Or don’t hire them again.”

    End of tweets ni Direk Jun.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here