Home Headlines Diosdado Macapagal Memorial Hospital exclusive sa Covid-19 cases sa Pampanga

Diosdado Macapagal Memorial Hospital exclusive sa Covid-19 cases sa Pampanga

2441
0
SHARE

LUNGSOD NG SAN FERNANDO — Simula ngayong Lunes ng hapon ay gagamitin na para lamang sa mga suspected Covid-19 patients ang Diosdado Macapagal Memorial Hospital sa Guagua, Pampanga.

Ayon kay Gov. Dennis Delta Pineda, may 70bed capacity ang naturang pagamutan at doon na ililipat lahat ang mga persons under investigation na mula sa ibat-ibang pagamutan sa lalawigan.

Ginawa ni Pineda ang ganitong hakbangin upang maiwasan ng PUIs ang pag-home quarantine at hindi na lumaganap pa ang sakit.

Ngunit kung severe na aniya ang mga sintomas ng isang pasyente ay kanila na itong irerefer sa Jose B. Lingad Meorial Regional Hospital dito sa Lungsod ng San Fernando City na itinalaga ng Department of Health para sa mga Covid-19 cases sa Gitnang Luzon.

Sa ngayon ay nananatili na tatlo ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa Pampanga kung saan isang pasyete ang namatay noong March 11 habang stable naman daw sa ngayon ang kalagayan ng isang Grab driver at isang katutubong Aeta sa mga pagamutan.

Samantala, isa na rin sa PUI dito ay ang provincial health officer na si Dr. Mar Jaochico na nasa isang pagamutan na matapos makitaan ng mga sintomas ng Covid-19.

Minomonitor na rin ng Kapitolyo ang lahat ng nakasalamuha ng nasabing duktor bilang parte ng health protocol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here