Dingdong Dantes ‘di pa puwedeng maging kaibigan ni Karylle

    558
    0
    SHARE
    Kitang-kita ang excitement ni Karylle sa tuwing napapag-usapan ‘yung pagkanta niya sa boxing match nina Manny Pacquiao at Oscar Dela Joya sa Las Vegas, Nevada sa Disyembre 6.

    “It’s a very big honor for me to do this,” sabi niya. “Number one, siyempre I’m so proud na nakilala ko si Manny Pacquiao. Alam mo na nakakausap mo siya, na tinatanong niya ako nagpi-prepare ba ako, ‘yong mga ganung bagay, ipinagmamalaki ko ‘yan sa mga kaibigan ko. I’m very honored that he picked me.”

    Ang boksing ay may soft sopt sa puso ni Karylle dahil ang kanyang lolo sa side ng nanay niyang si Zsa Zsa Padilla, si Carlos Padilla ay isang boksingero who later became a referee  whose career took off enormously after officiating the $20-million world heavyweight championship match between legendary boxers Muhammad Ali and Joe Frazier.The mammoth boxing event dubbed as the Thrilla in Manila was hosted by the Philippines and was held at the Araneta Coliseum on October 1, 1975.

    “This is something that connects me with my grandfather. ‘Yong great grandfather ko naman, isa siyang Olympic boxer. So, kahit papaano, I may not be on the ring like them or referee, but I’m gonna be there to sing,” pagmamalaki pa ni Karylle.

    Inamin din ni Karylle na hanggang ngayon ay may hurt pa siya dahil sa nangyari sa kanilang romansa ni Dingdong Dantes.  Kahit paano raw, ang pagkanta niya sa boxing match na nabanggit ay isang malaking tulong para maibsan ang sakit ng trauma na pinagdadaanan niya.

    Samantala, si  Dingdong Dantes ay nagpapakaplastik sa pagsabing magpapatuloy pa raw ang pagiging magkaibigan nila ng anak ni Zsa Zsa Padilla. To this, heto ang sagot niya.

    “Well, as of the moment, I don’t think that’s really possible.

    Someday we will be friends and it will all work out.”

    Kailan lang, personal pang inimbita ni Karylle ang dating  boyfriend para sa affair ng Time Zone, isang organisasyong nagbibigay suporta sa maraming cancer victims.
     
    “It was very, very moving. We had a lot of guests that turned up. Actually kasi, Wednesday ngayon so a lot of my friends, they couldn’t make it so I took a chance with people that I worked with. So, sabi ko, ang hirap mag-invite pero I’ll try and ended up… We were about 70 volunteers in Time Zone and we had a lot of fun,” kuwento pa niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here