May lumabas na sketch ng costume nina Dingdong at Marian na lalong nagpa-excite sa DongYan fans dahil sa fantaserye lang uli nila mapapanood ang favorite loveteam nila.
Makakausap pala ng press bukas si Marian para sa renewal ng kontrata niya sa Maxi Peel, matatanong siya sa role niyang si Ynang Reyna sa fantaserye.
Mahingi na rin ang reaction niya sa sinabi ni Dawn Zulueta na “Marian is the best choice. She’s so perfect for the role.”
Tama rin ang nabanggit ni Marian dati na nagpapasalamat siya dahil bukod sa nag-renew ang mga endorsement niya, may mga bago rin siyang endorsement gaya sa isang mineral water.
Matatanong din si Marian kung totoong may five to seven endorsement offers para kay Baby Zia. Ang isa raw sa offer na endorsement ay kasama si Marian at ang lola ng aktres na si Lola Franceska o Lola Iska.
In fact, tinanggap na yata nina Marian at Dingdong ang isa sa offer kay Baby Zia dahil sa post ni Rams David sa Instagram (IG) na infant pink shoes at may caption na “Abangan…
Pero nang tanungin namin si Rams tungkol dito, umiwas kaming sagutin.
Samantala, may bagong segment si Marian sa Sunday PinaSaya, ang ‘Lil Big Star na ang description ay “Ang talent show na big ang talent.”
Co-host ni Marian si Gabby Eigenmann.