Home Headlines Dinamulag Festival: Non-working holiday sa Zambales Abril 28-30

Dinamulag Festival: Non-working holiday sa Zambales Abril 28-30

1055
0
SHARE
Gov. Hermogenes Ebdane Jr.

IBA, Zambales — Pormal na ideklara ng provincial government ang Abril 28 – 30 na special non-working holiday sa buong lalawigan bilang pagdiriwang ng Dinamulag Festival 2023. 

Batay Executive Order No. 9 na nilagdaan ni Gov. Hermogenes Ebdane Jr., ito ay bilang handog-pasasalamat sa masaganang ani at taon-taong isinasagawa. Walang pasok sa lahat ng mga tanggapan ng gobyerno at lahat ng antas ng mga eskwelahan sa buong Zambales sa naturang araw.

Ayon sa gobernador, halos tatlong taon ding hindi naipagdiwang ang Dinamulag Festival dahil sa Covid-19, kung kaya dapat maging masaya ang gagawing selebrasyon.

Kabilang sa mga nakalatag na mga aktibidad kaugnay ng selebrasyon ay ang Zambales Mountain Bike Fun Run sa bayan ng Iba at ang Lumba Tamu Zambales 2023, na gaganapin sa Abril 27, ang pinaka-malaking karera ng bisikleta na magsisimula sa Subic hanggang sa Sta. Cruz na may layong 197-kilometers na lalahukan ng mga professional,  amateur at elite. 

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here