Nagulat ang mga kapulisan sa presinto sa Makati dahil yung GRO ang pinagdiskitahan ni Dina. Sinabihan daw ni Dina yung babae na sana tingnan muna nito kung ano ang trabnaho nito bago siya nagreklamo. Sa pananalita ni Dina, tila inaalisan niya ng karapatan yung GRO na magreklamo dahil nga mababa lang uri ng hanapbuhay nito. Na hayagang ginawang pagkampi si Dina na pati nga kababayan at kabaro pa naman niya ay ininsulto sa halip na damayan.
“Dapat sana, tinulungan na lang niya yung Arabo na makapagpiyansa o kaya naman, kinunan na lang niya ng abugado. Lumabas tuloy na sobrang baba ng tingin ni Dina sa mga babaing kababayan niya na biktima ng mga dayuhang mahilig gaya ng ‘kaibigan’ si Sarmini.
Hindi naman kasi excuse yung sinasabi ni Dina na matagal ng suki ng club ang Arabo at yung statement na mababang uri lang ang pagiging GRO. Ang higit na dapat niyang binigyang-diin ay yung inabuso at sinaktan ni Hassan ang isang babaing Pinay at dapat nakisimpatya siya, at least dito.
Anyway, matagal na naming nakikita si Dina na lagging may karay na Arabo saan man siya magpunta. After she had a falling out with her husband noon na ang apelyido ay Pecson, lagi nang nagpapakita sa mga functions si Dina na may kasamang Arab- looking man. Ito na kaya si Hassin o sadyang friend at business associate niya ito?